Angel Locsin, nahulog sa kabayo!

August 27, 2008









Magsisimula nang gumiling ang camera para sa pelikulang pagsasamahan nina Piolo Pascual at Angel Locsin na may working title na Land Down Under.

Aalis ang dalawang bida kasama ang direktor na si Rory Quintos bukas, Friday, para mag-shoot sa isang rancho sa Bukidnon.

Before leaving, humarap muna sina Piolo, Angel at Direk Rory sa entertainment press kahapon to give some info about the movie at para makapanayam na rin sila dahil matagal-tagal silang mawawala.

Ang naturang pelikula ay first film ni Angel sa Star Cinema kaya excited ang young actress lalo pa nga’t kukunan ang malaking bahagi ng movie sa Australia.

For the movie, isang buwan muna silang nag-training ni Piolo sa Manila Polo Club for horseback riding dahil kailangan ito para sa kanilang karakter.

Si Vic Barba ang talagang in charge sa pag-e-ensayo nila, although paminsan-minsan, binibigyan din daw sila ng tips ng equestrienne-actress na si Mikee Cojuangco.

Minsan nang nahulog si Angel sa kabayo, pero awa ng Diyos, walang tinamong serious injury and in fact, sumakay pa uli ng kabayo at itinuloy ang ensayo.

Cowboy at cowgirl daw ang roles nina Piolo at Angel sa movie, ani Direk Rory at adult material ang takbo ng story.

Meaning to say, mature roles ang gagampanan nila at natural, may “super daring” na love scenes ang dalawa.

Bukod kina AJ Dee, Dimples Romana, Erich Gonzales, Nash Aguas at John Manalo, may makakasama rin silang Australian actor na nag-audition para sa isang papel sa pelikula.

Tatlong taon na raw nasa baul ng Star Cinema ang script ng proyekto tungkol sa isang cowboy community sa Bukidnon.

Since ito ang first movie ni Angel sa Star Cinema, napag-usapan din sa presscon kung settled na ba ang problema ng young actress sa Regal Films.

It could be recalled na nang lumipat si Angel sa ABS-CBN, isa si Mother Lily Monteverde sa nagsasabing may kontrata pa ang young actress sa Regal at hindi raw puwedeng gumawa ng movie sa ibang outfit.

Ang huling pelikulang nagawa ni Angel ay ang The Promise, co-prod ng Regal at GMA Films, na ipinalabas last year.

Noon pa sinasabi ng manager ni Angel na si Becky Aguila na tapos na ang kontrata at maging ang abogado nilang si Joji Alonso, ito rin ang sinasabi.

Kahapon, inihatid ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News ang balita na nagparaya na si Mother Lily at hindi na ito maghahabol.

Kuwento ng isang source, pinayuhan ang Regal produ ng mister niyang si Father Remy na ’wag nang magsampa pa ng demanda.

Hiningan ng reaksyon ang young actress tungkol dito ay aniya, “actually, hindi ko alam talaga. Wala po kasi akong masasabi, hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Basta ako, may respeto ako kay Mother kasi siyempre, sa kanya ang first movie ko (Kuya).”

Excited na si Angel sa shooting sa Australia, lalo pa nga’t narinig niyang disyerto ito at malayo sa kabihasnan. Karagdagang experience raw ito for her kaya looking forward na siya.

Dahil risky ang pelikula, may nagtanong kay Angel kung insured ba sila ni Piolo at say niya, “yes, first time kong ma-insure dahil sa isang project, kaya sabi ko, ‘Wow!’”

Alam ba niya kung magkano?

“Hindi ko na tinanong, kasi siyempre, baka sabihin, may plano akong magpa…(aksidente),” say niyang natatawa.

Anyway, tinutukso sina Angel at Piolo na hindi malayong ma-develop sila sa isa’t isa sa Australia, pero puro tawa lang ang isinagot nila.

Ayaw ni Luis Manzano ng ganyan!

* * *

Naitanong din kay Angel ang tungkol sa magagandang pahayag sa kanya ni Gov. Vilma Santos at ayon sa young actress, masaya raw siya sa magandang treatment sa kanya ng ina ni Luis Manzano lalo na ang sinabi nitong good influence siya kay Lucky.

“Thank you po. Siyempre, haping-happy po ako. Sobrang saya po ako dahil actually, idol ko siya at sobrang nasta-startruck pa rin po ako sa kanya.”

Sinabi rin ni Gov. Vi na gusto niyang makasama si Angel sa isang pelikula at very much welcome naman ito sa young actress.

Actually, nagkasama na nga raw sila sa Mano Po noon at ang role pa niya ay anak ng Star for All Seasons.

Kung sakaling mauulit itong muli, gustong-gusto raw niya at ibayong acting workshop daw talaga ang gagawin niya para hindi siya mapahiya.

View Angel Locsin Picture Gallery >>

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Diana Zubiri
Bea Alonzo
Christine_Reyes_801
Angel Locsin
Sunshine Cruz
KC Concepcion

 


Comments

Got something to say?





Advertiser