Bea Alonzo kamukha ni Yasmien Kurdi ’pag pinapangit

August 28, 2008









Natatawa kami tuwing nakikita namin ang teaser ng I Love Betty La Fea sa TV kasi kamukhang-kamukha ni Bea Alonzo si Yasmien Kurdi bilang si Tasya Pantansya sa make-up niya bilang Betty La Fea.

Pareho kasi sila ni Yasmien (Tasya) ng hairdo, pati na ang suot nilang malaking eyeglasses at retainers. Mukhang pati ang pag-arte nila ng kanilang mga characters ay nagkakapareho na rin!

Anyway, naloka naman kami dahil si John Lloyd Cruz din pala ang gaganap na Armando pagkatapos ng ilang buwang pahulaan.

Wala itong ipinagkaiba sa My Girl na sa bandang huli ay si Gerald Anderson pa rin pala ang magiging kapareha ni Kim Chiu sa show.

Lumalabas lang na hindi pa talaga kaya ni Bea na magdala ng sarili ni-yang teleserye.

Kailangan pa rin niya ang suporta ng kanyang ka-loveteam. Which we cannot say the same for John Lloyd dahil nakaya nitong magdala ng pelikula without Bea!

Anyway, excited na kaming mapanood ang I Love Betty La Fea dahil kasama dito si Ruffa Gutierrez who will play kontrabida for the first time.

View Bea Alonzo Picture Gallery >>

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Marian Rivera Picture Gallery
Aubrey Miles
Jennifer Lee
Nicole Hernandez Picture Gallery
Kristine Jaca
KC Concepcion

 


Comments

Got something to say?





Advertiser