Richard Gutierrez, KC Concepcion kumita ng P14M sa first day
August 28, 2008
NAG-TEXT sa amin si Mico del Rosario ng Star Cinema para ibalita na kumita ng halos P14 million sa opening day ang pelikulang For The First Time nina KC Concepcion at Richard Gutierrez.
Umuulan nang magbukas sa mga sinehan nung Miyerkules ang pelikula and yet, ganu’n pa rin ito kalakas. Hindi rin pay day nung Wednesday pero halos kasing lakas ito ng A Very Special Love nina John Lloyd Cruz at Sarah Gero-nimo.
Tiyak na mas magiging malakas pa ang pelikula pagpasok ng weekend dahil suweldo ito ng mga empleyado.
Happy ang Star Cinema sa ipinakitang lakas sa takilya ng For The First Time. Happy rin kami dahil nag-paid off lahat ng effort nina Chard at KC sa kasipagan nilang i-promote ang pelikula.
* * *
WALA kami sa presscon nina Angel Locsin at Piolo Pascual the other day para sa kanilang pelikulang unang pagsasamahan. Hindi kami naimbita and we don’t know why. Dahil siguro sa “tampo” namin sa kanya.
Anyway, napag-alaman namin na super excited na si Angel sa first movie niya sa Star Cinema with Piolo as leading man and Rory Quintos as direktor.
Tiyak na mapipiga na naman nang husto rito si Angel. Knowing Direk Rory, hindi puwede sa kanya ang pag-arte na basta-basta lang, huh!
Ang title ng pelikula ng dalawa ay Land Down Under. Umalis na sila today papuntang Bukidnon para magsyuting.
Bago magsimula ang pelikula, one month pala munang ang-aral ng pa-ngangabayo sina Piolo at Angel sa Manila Polo Club. Kailangan ito ng dalawa para sa ilang mga eksena nila sa movie.
Naaksidente si Angel habang nagti-training ng horseback riding. Nahulog ito sa kabayo pero thank God, wala namang naging pinsala.
Mahusay din daw ma-ngabayo si Angel kaya hindi nahirapan ang kanyang trainor. Kunsabagay, may pagka-athletic din naman itong si Angel kaya tiyak na carry niya lang ang pangangabayo.
View KC Concepcion Pciture Gallery >>
View Angel Locsin Pciture Gallery >>
Related News
No. of Views: 507 views
Tags: Angel Locsin, KC Concepcion
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














