Sam Milby at Anne Curtis, hiwalay na!

September 4, 2008









NAG-FIRST taping day na ang bagong ABS-CBN teleseryeng Pieta kahapon, Huwebes.

Kahit ’di pa dumarating si Ryan Agoncillo (who is in South America for Pinoy Fear Factor), nagsimula nang mag-taping ang ilang cast members.

Kumpirmadong si Cherie Gil na ang gaganap bilang ina ni Ryan. Naisulat kamakailan na in-offer ang role kay Lorna Tolentino but our source revealed na iba ang project na gagawin ni Lorna sa ABS-CBN.

Tuwang-tuwa ang production team ng Pieta to be working with Cherie.

“For a change, hindi kontrabida si Ms. Cherie. Mabait siya rito.”

Sina Toto Natividad at Don Cuaresma ang magdidirek ng Pieta. Action-drama ang tema nito, kaya si Toto ang magdidirek ng action scenes while si Don ang hahawak sa drama.

Trabaho agad ang naghihintay sa kanya pagdating niya.

* * *

WALANG kaalam-alam ang production staff ng Boy & Kris na nu’ng araw na nag-guest sina Sam Milby at Anne Curtis ay split na ang dalawa.

Nagulat na lang ang staff nang umiyak si Anne when asked about their relationship.

It was only then na nalaman ng staff na split na ang dalawa.

“Bago pa sila nag-split, commitment na nila ’yung guesting sa amin. Pang-fans daw ’yon,” sabi ng B&K staff.

Kahit si Sam, nagulat sa naging reaksyon ni Anne. We’re not sure kung nag-usap sila na hindi pag-uusapan ang split.

Ngayong umaga na mapapanood ang kabuuan ng interview kina Anne at Sam sa Boy & Kris.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Joyce So Picture Gallery
KC Concepcion
Diana Zubiri
Nancy Castiglione
jenny_hernandez_6
Angela Velez

 


Comments

Got something to say?





Advertiser