Heart Evangelista isa sa mga maling diskarte ni Jericho Rosales sa acting career
September 5, 2008
Bumilib naman kami sa pag-amin ni Jericho Rosa-les sa mga pagkakamaling nagawa niya sa kanyang career.
Kung humina raw ang takbo ng career niya ay wa-lang ibang dapat sisihin kungdi siya lang. Inamin niya na pinabayaan niya ang kanyang acting career for a while dahil sa kagustuhan niyang i-pursue ang singing career at magkaroon ng sarili niyang banda.
Pero naging wake-up call niya ang minsang pagbati sa kanya ng isang kaibigan nang naglalakad siya minsan sa hallway ng ABS-CBN.
“Bati niya sa akin, ‘Ano, musikero ka na lang ba?’ Masyado akong nasaktan sa sinabi niya at the same time nakapag-isip-isip din ako na bakit ko nga pala pinabayaan ang acting career ko, eh, ito ang gusto sa akin ng fans, ang ma-kita nila ako sa TV at pelikula na umaarte,” pahayag ni Je-richo.
Mula noon daw ay ti-nanggal na niya ang kanyang pagiging matigas ang ulo.
Nilamon na niya ang kanyang pride. Tinanggal na niya sa isipan na dapat, eh, siya ang laging nasu-sunod.
Dapat ay sumunod din siya sa pinapagawa sa kanya ng ibang taong nagmamalasakit sa kanya.
Salamat at dumating ang teleseryeng Kahit Isang Saglit na co-prod ng Malaysian production outfit na Double Vision Malaysia.
Nagkaroon pa siya ng pagkakataon na makapa-reha at makatrabaho ang sikat na Malaysian actress-model na si Carmen Soo. Pero ang pinakaimportante sa lahat ay nagkaro-on siya ulit ng second chance para i-redeem ang sarili niya bilang premiere actor ng ABS-CBN.
After all, siya ang binig-yan ng solong teleserye ng Dos sa Panday dahil sa sobrang pagtitiwala ng Ka-pamilya sa kanyang ka-kayahan .
Hayaan niyang ipagmalaki siya ulit ng Dos at bumalik siya sa tronong dapat niyang kinalalag-yan.
Teka, hindi ba isa ring malaking pagkakamali sa acting career ni Echo nang umibig siya kay Heart Evangelista?
Balitang nalulong siya noon sa pag-ibig ni Heart kung kaya nawala siya sa focus sa kanyang acting career.
Related News
No. of Views: 490 views
Tags: Heart Evangelista, Jericho Rosales
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














