Relasyon nina Anne Curtis, Sam Milby gimik lang
September 10, 2008
Gumigimik lang daw sina Sam Milby at Anne Curtis para mapag-usapan?
Sikat na sila para gawin ang kababawang ito kaya kung may LQ (lovers’ quarrel) man sila, true marahil.
Hindi naman siguro aabot si Anne sa puntong gigimik pa sila ni Sam para mapag-usapan lang ang pribado nilang buhay. Sa isang panayam kay Anne, sinabi nitong very transparent sila ni Papa Sam. Na kung may tampuhan daw sila ay mahahalata talaga ito at hindi nila naitatago.
Pero nu’ng tanungin si Anne kung break na ba sila ni Sam, agad nitong sinabi na paano raw sila naintrigang nag-break eh, never naman nilang inaming naging mag-on sila?
‘Yun din ang punto na-min, hindi pa nga umaamin, nag-break na?
Kalokah, ‘di ba?
May ilang chika pang umiikot na kesyo nag-iiri-ngan ang dalawa kahit sa ha-rap ng mga tao.Na hindi naman ikinakaila ni Anne.
Dahil nga transparent si-la ni Sam, halata agad ‘yung moods at emosyon nila. Kahit hindi sila umaamin or what, the fact na may ganitong little fights at tampuhan eh, gets na nating there’s something beyond their friendship.
* * *
SPEAKING of Anne, definitely, hindi semplang sa ratings ang Dyosa.
In fact, gusto nga ito ng mga batang televiewers. Ang dami ring fans ni Luis Manzano sa fantaseryeng ito, huh.
Ang tanong, suportahan kaya ni Anne si Papa Sam sa darating na first major concert ng singer/ actor ngayong Oktubre?
Related News
No. of Views: 634 views
Tags: Anne Curtis, Sam Milby
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














