Sarah Geronimo, ginagamit ng mga ‘manliligaw’
September 10, 2008
PINIGA-PIGA ng entertainment press si Sarah Geronimo sa presscon-cum-launching kahapon ng kanyang bagong album na Just Me.
As usual, ang lovelife niya pa rin ang inuurirat. Kung may napupusuan na ba siya finally at may mai-a-announce nang boyfriend o kahit suitor man lang sa dinami-rami ng boys na nagsasabing crush siya.
Pero sad to say, hanggang salita lang pala lahat ’yon dahil ani Sarah, wala raw ni isang nanliligaw sa kanya sa mga ito.
Matatandaang dati ay nagpahayag na si Mark Bautista na crush niya si Sarah, ganundin si Ronnie Liang.
Pero ayon sa Pop Princess, hindi nanliligaw sa kanya ang mga ito.
“Sabi ko nga po, malalaman lang nating totoo ’yon kung talagang manliligaw at magpupunta sa bahay. Pero wala naman po,” sabi ni Sarah.
May nagtanong kung pakiramdam ba niya ay nagagamit siya at say ng dalaga, “I don’t think it that way naman po, parang nakaka-offend naman po ’yon.”
May nagkomento rin na bakit timing naman na kung kailan nag-hit ang pelikula niya (A Very Special Love), saka biglang nagsulputan ang mga admirer niya at napangiti na lang si Sarah sabay-sabing “kaya nga po, eh.”
Anyway, sa kanyang bagong album ay mapapakinggan ang kantang I’ll be There, duet nila ni Howie Dorough ng Backstreet Boys. Ito rin ang carrier single ng album.
Para i-promote ang single, darating sa Pilipinas ang nasabing miyembro ng sikat na boy band sa Sept. 23.
Sa Sunday, magkakaroon ng album launch ang Just Me at may mall tour din si Sarah sa SM Dasmariñas (Sept. 13), Mall of Asia (Sept. 28), SM Sta. Rosa (Oct. 4), SM Fairview (Oct. 12) at SM Clark (Oct. 25).
Related News
No. of Views: 350 views
Tags: Sarah Geronimo
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














