Wendy Valdez supalpal kay Edu Manzano sa Game ka na ba!
September 16, 2008
Nagkainitan sa ta-ping ng PGKNB? nu’ng nakaraang Biyernes dahilan sa diumano’y pagtataray ni Wendy Valdez.
Nabasa namin ang item na ito sa show-bizjuice.com at ikinalokah namin na of all people ang tinarayan pa diumano ng starlet na ito ay ang host ng game show na si OMB Chairman Edu Manzano.
Sa totoo lang, normal na itong ganitong isyu kay Wendy na nagta-taray at kung minsan ay wala pa raw ito sa lugar pero magre-react lang kami at ang ilang readers dahil of all people ay si Chairman Edu pa ang nasampulan ng katara-yan ni Wendy, huh.
Ayon sa balita, diu-mano’y mali raw kasi ang sagot ng girl na ito nu’ng game proper at ito naman ay sinabi ng butihing Chairman sa kanya.
Diumano’y naging persistent pa rin daw si Wendy na tama ang sa-got niya sa tanong ni Chairman Edu at nu’ng sinabing muli sa kanya ni Edu kung bakit hindi korek ang naisagot niya sa tanong, sinabi raw nitong si Wendy, “You’re making me appear I’m a liar!”
Grabe na ito, may ganoong words to that effect?
Dahil sa kaganapang ito, naantala nang kaunti ang taping at para matahimik umano itong si Wendy ay ipinakita sa kanya ang kabuuan ng tape ng portion niya kung saan mali nga ang nai-sagot niya.
Hindi raw tama ang unang syllable na sinabi ni Wendy.
Ang ginawa na lang umano ng girlash na ito ay nag-umiyak na lang sa isang gilid.
Lumabas naman daw si Chairman Edu ng studio para palamigin nag sitwasyon.
The gentleman that he is, bilib kami kay Edu, eversince marespeto si-ya sa kapwa niya.
Susubukan naming kunin ang pahayag ni Chairman Edu tungkol sa isyung ito at ihahayag namin ang kanyang pa-nig.
Sa totoo lang, nawindang kami kay Wendy habang binabasa namin ang item na ito sa nasa-bing entertainment cite. May ilang nagtata-nong kung hindi raw ba gumigimik lang si Wendy para pag-usapan siya.
At the expense of Chairman Edu?
O, sadyang hindi lamang ba nito napigilan ang katarayan niya at pati si OMB Chairman Edu na nirerespeto ay nasampulan pa nitong si Wendy?
Kalokah!
View Wendy Valdez Picture Gallery >>
Related News
No. of Views: 1,178 views
Tags: edu manzano, Wendy Valdez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














