Si Nadia Montenegro ang sumisira sa relasyon nina Gabby, Mommy Rose

September 18, 2008









Inunahan na nina Rose Flaminiano at Gabby Concepcion ang boxing bout nina Manny Paquiao at Oscar dela Hoya.

Sandaling ensayo lang ang ginawa nina Mommy Rose at Gabby bago nagbigay ng knock out punches sa isa’t-isa.

Unang bumira si Ga-bo. Sunud-sunod na tira ang ginawa niya sa kanyang manager na si Mommy Rose with the support of ‘sulsol gang’ sabi nga ni Mommy Rose, on the side.

Sinagot naman ‘yun ni Mommy Rose ng demanda na nagkakahalaga ng P22 million, with the support of Atty. Bonnie Alentajan and Atty. Flaminiano, of course.

Maraming pinasabog si Mommy Rose. Ipinaki-ta niya sa press people ang posibleng kitain ni Gabo until the end of this year, kung sisiputin niya ang kanyang commitments. More or less, kikita si Gabo ng P11million hanggang December of this year kung pupunta-han niya ang lahat nang nai-commit sa kanya ni Mommy Rose.

Sabi ni Mommy Rose, ang halagang inirereklamo ni Gabo ay napakaliit na puwede naman sana nilang pag-usapan. Pero, kung hindi sila magkakaayos, masisira ang career ni Gabo at hindi rin siya makababalik sa Ame-rika dahil may hold order siya sa immigration. Sinabi rin ni Mommy Rose na madalas ay abonado siya bilang manager ni Gabby, pero hindi na siya nag-ri-reklamo para hindi magkaisyu.

Ikinuwento ni Mommy Rose nu’ng minsang inimbitahan si Gabo na magpatong ng korona sa isang event na for a cause. Ayaw sana niyang mani-ngil ng talent fee, pero da-hil ayaw niyang mabuta-san inihingi niya ng hono-rarium si Gabby sa organi-zers sa halagang P50,000. Hindi kinaltasan ni Mommy Rose ng komisyon ang honorarium dahil nahihi-ya siya sa organizers.

Buong ningning ding binanggit ni Mommy Rose na si Nadia Monte-negro ang nanunulsol kay Gabo kaya biglang nagbago ito ng ugali.

Maraming natanggap na forwarded text messa-ges si Mommy Rose na diumano’y galing kay Nadia. ‘Di naman daw ni-ya ito magawang idemanda dahil wala naman siyang mahihita.

“Ano ang makukuha ko kay Nadia? Mantika?” patutsada ni Mommy Rose.

Walang binanggit na masama si Mommy Rose kay Pops Fernandez kahit nasasabit din ang pa-ngalan ng concert queen sa isyung ito. Round one pa lang ‘yan kaya aba-ngan na lang natin ang round two kung sino ang mana-knock-out.

* * *

Personal naming ma-sasabi na may mood swing si Gabby dahil muntik na niya kaming sa-pakin sa isang bagay na ginawa namin in the name of our job.

Noong nagtatago si-ya sa ‘Merika at hindi masyadong nagpapa-interview ay nagkaroon ka-mi ng chance na maka-punta sa isa niyang concert. May dala kaming vi-deo camera nu’n na hindi naman pinaiwan sa reception nang pumasok kami kaya buong-ningning na-ming kinunan ang event. Sa concert na ‘yon, nabanggit niya si Sharon Cuneta at si KC. Pagkatapos ng concert ay na-interview namin ang produ-cer ng show na ‘yon, on cam, kaya may permiso ang pagpasok namin ng video camera sa concert na ‘yun ni Gabo.

Next issue, ikukuwento namin kung paano kami hinamon ng suntukan ni Gabby Concepcion sa Los Angeles, California.

Dala ng aming trabaho, ipinalabas namin sa S Files ang segment na ‘yun na ikinagalit ni Gabo dahil tinawagan daw siya ni Mega at pinagalitan. Nag-away daw sila nang matindi ni ate Shawie dahil du’n.

Ayaw daw kasi ni Me-ga na ginagamit ang kanyang name at ni KC sa kanyang shows. At magmula noon, hinanting na kami ni Gabo.

Sa susunod, ikukuwento namin kung paano niya kami hinamon ng suntukan sa Los Angeles , California .

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Sheree
Diana Zubiri
Kristine Jaca
Asia Agcaoili
Regine Tolentino
Angel Locsin

 


Comments

Got something to say?





Advertiser