Cristine Reyes nagtangkang magpakamatay
September 21, 2008
NAKALOLOKAH ang balitang suicide try ni Cristine Reyes.
Iba’t bang bersyon ang lumalabas tungkol sa chikang ito. Merong nagkatampuhan daw umano si Cristine at ang mommy niya. Pinalala pa raw ang kalagayan ni Cristine ng pakikipag-break ni Dennis Trillo.
Ayon pa rin sa balita, nasobrahan daw sa pagod sa taping si Cristine, as in na-stress kaya naospital siya.
At kahit nasa ospital, sige pa rin ang masasakit na intriga sa kanya at patuloy ang mga banat kaya hindi na raw nakayanan ni Cristine ang lahat at nagtangka na itong mag-suicide.
Isa pang dahilan ng umano’y tangkang pagpapakamatay ni Cristine ay ang hindi pa matuluy-tuloy na pagpapalabas ng kanyang teleserye sa Kapamilya titled Eva Fonda.
Related News
No. of Views: 225 views
Tags: Cristine Reyes
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














