Dahil sa karanasan sa pag-ibig Angelica Panganiban naging mas mahusay na aktres

September 21, 2008









Ang dating child star na kapanabayan ni Camille Prats na bida noon sa pelikulang Ang Munting Prinsesa ay isa nang napakahusay na aktres ngayon ngayong dalaga na.

Kung noong bata pa si Angelica Panganiban ay nagkamit na rin ng parangal bilang best child actress sa iba’t ibang award giving bodies, hindi kataka-takang maging sa paglaki niya’y humakot din siya ng awards katulad ng hinahangaan niyang sina Vilma Santos at Maricel Soriano.

Sa edad na beinte, na-rating na agad ni Angel (tawag sa kanya ng marami) ang pagiging isang tunay na aktres.

Sa teleseryeng Iisa Pa Lamang ng ABS-CBN, nakitaan na kaagad ng hu-say sa pagganap si Angelica.

Maging ang kanyang direktor na si Roel Bayani ay impress sa husay ng pag-arte rito ni Angel. “Hindi ko sinasabing si Angelica lamang ang pinakamagaling sa Iisa Pa Lamang. Silang lahat ay may kanya-kanyang talinong ipinakita sa teleseryeng ‘yan!

“Si Claudine noon pa’y magaling na ang batang ‘yan. Ang kagulat-gulat ay si Angelica. Ang laki ng ipinagbago niya sa akting. Laging take one siya sa kanyang mga eksena kina Diether (Ocampo) at Cherry Pie (Picache).

“Kahit ang confrontation scene nila ni Claudine na sasabayan ng sampalan ay take one pa rin. Kapag ganyan kahuhusay ang mga artistang hahawakan ko, madaling natatapos ang trabaho namin,” pagku-kuwento sa amin ni Direk Roel.

Ang pagganap ni Angelica bilang Scarlet Dela Rhea-Castlillejos sa Iisa Pa Lamangay umaani para sa kanya ng magandang feedbacks dahil ayon sa marami, very effective ang kanyang pagganap bilang kontrabida.

Masasabing isa siyang tunay na versatile actress. Mula sa pagiging teeny bopper at support characters, gumaganap siya ngayon ng challenging roles.

Dito nga sa Iisa Pa Lamang ay matindi ang pagganap niya bilang asawa ni Diether na nagpipilit mahalin pero ayaw namang suklian ng pagmamahal dahil ang gusto nito (Diet) ay si Claudine.

Marahil nakatulong sa pagiging isang tunay na aktres kay Angelica ang mga naging karanasan niya sa buhay noon. Nang maugnay siya sa kanyang boyfriend nga-yon na si si Derek Ramsay, malaki ang ipinagbago ng kanyang image. Agad siyang nag-mature.

Sa pamamagitan ng kanyang naging karanasan sa pakikipag-nobyo sa aktor ay naging mata-tag sa pagpapasiya si Angel.

Sa pagiging away-bati nila noon ni Derek, naging mapagpasensya si Angelica.

Dahil sa mga sama ng loob at balde-baldeng lu-ha sa pakikipagrelasyon, naging madali na lang sa kanya ang pagi-emote sa mga eksenang drama.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Kristine Jaca
Kristine Jaca
Joyce So Picture Gallery
Nicole Hernandez Picture Gallery
Bea Alonzo
Riza Santos Photo Gallery

 


Comments

Got something to say?





Advertiser