Rayver Cruz parurusahan ng ABS-CBN kapag inulit ang pakikipag-date kay Rhian Ramos
September 21, 2008
Pagkatapos tumigil sa panliligaw kay Shaina Magdayao, balitang ang taga-GMA network na si Rhian Ramos naman ang pino-pormahan ngayon ni Rayver Cruz.
In fact, nag-date na nga raw ang dalawa sa isang restaurant sa Parañaque.
Aminado naman si Rayver na nag-date si-la ni Rhian, pero hindi naman daw niya nililigawan ang dalaga.
“Totoong lumabas kami, but it was a friendly date lang naman. Hindi ko siya nililigawan,” paglilinaw ni Rayver sa panayam namin kamakailan.
Si Rayver ay alaga ng ABS-CBN while si Rhian ay mula naman sa GMA-7.
Paano ba sila nag-kakilala?
“Nagkasama kasi kami sa isang show, sa event ng Smart. ‘Tapos ‘ayun, nalaman ko na taga-South din pala siya.
“Hiningi ko ‘yung number niya. ‘Tapos ‘ayun, nagti-text-an kami. Tiyempo naman na nu’ng minsang wala akong ginagawa, tinawagan ko siya para yayaing lumabas. “Nagkataon din naman na wala siyang ginagawa that time kaya ‘ayun, nagkasama kami,” lahad ng young actor.
Isang beses pa lang daw lumabas sina Rayver at Rhian. Pero puwede pa kayang masundan ‘yun?
“Hindi ko pa po alam,” sagot ni Rayver.
“Siguro ‘pag hindi siya busy, puwedeng yayain ko ulit siyang lumabas.”
Aminado rin naman si Rayver na type niya si Rhian kaya niyaya niya itong mag-date sila. “Siyempre naman, maganda naman kasi talaga siya,” sambit ng binata.
So, darating sa puntong liligawan niya si Rhian?
“Hindi ko pa masasagot ‘yan sa ngayon,”
Sa tingin ba niya ay girlfriend material si Rhian?
“Oo naman!” mabilis na sagot ni Rayver.
Ano ang magagandang qualities na nakikita niya kay Rhian?
“Mabait naman siya, sweet at maganda,” aniya. At buong tamis na ngumiti si Rayver.
Mula sa magkalabang networks sina Rayver at Rhian.
Hindi ba nababahala si Rayver na baka pagbawalan siya ng ABS-CBN na makipaglapit kay Rhian?
“I dont think so naman na pagbabawa-lan nila ako. Wala namang masama doon, ‘di ba, na makipagka-ibigan ako kay Rhian? At katulad nga ng sabi ko, friendly date lang naman ‘yun, lumabas lang naman kami. Wala namang ma-sama roon,” diin ni Rayver.
Pero, just yesterday, may nagtsika sa aming masinsinang kinausap si Rayver ng isang executive ng ABS-CBN at ang topic nila ay si Rhian Ramos.
May balita raw kasing nakarating sa Kapamilya na muling nag-date sina Rhian at Ray-ver sa isang exclusive na lugar. Ayon sa aming bubuyog, binigyan daw ng warning si Rayver na kapag nakipagkita pa siya ulit sa dalagang taga-GMA ay bibigyan siya ng ‘kaparusahan.’
Related News
No. of Views: 375 views
Tags: Rayver Cruz, Rhian Ramos
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
2 Responses to “Rayver Cruz parurusahan ng ABS-CBN kapag inulit ang pakikipag-date kay Rhian Ramos”
Got something to say?















is this true? kasi ang alam ko si Melissa ang tunay na GF ni Rayver
h! rayver grabe cush tlaga ktah ahHhHhh…..