Pops Fernandez, natawa sa isyu ng pakikipagbalikan kay Martin Nievera

September 23, 2008









NGAYONG hiwalay na si Martin Nievera sa girlfriend na si Katrina Ojeda, ang tanong ng marami ay kung posible kayang magkabalikan sila ng ex-wife na si Pops Fernandez.

Natawa lang si Pops, na napapabalita ring hiwalay na sa BF na si Jomari Yllana: “Noon pa kami nagkabalikan ni Martin… bilang magkaibigan.

“Mas maganda na ang ganitong sitwasyon. Hindi pa kami nagkakailangan. Libre niyang nakakausap ang mga anak naming sina Ram at Robin. Masaya na kami sa ganito, magkaibigan habambuhay.”

* * *

INAMIN ni Kris Bernal sa presscon ng Matakot Ka sa…Kulam sa Imperial Palace Suites ni Mother Lily Monteverde na crush niya si Aljur Abrenica. Pero dinededma lang daw siya ng ka-loveteam.

“Hindi yata ako ang type ni Aljur, eh. Dinededma niya ang beauty ko. Hanggang pang-loveteam lang ang sweetness namin,” say pa ni Kris.

Anyway, kapatid ni Dennis Trillo ang papel ni Kris sa Matakot Ka sa…Kulam, first offering ng 48th anniversary at pre-Halloween presentation ng Regal Entertainment.

Naniniwala raw si Kris sa kulam although hindi pa siya nakakaranas makulam.

Pero kung magagawa niyang mangkulam, ang kukulamin daw niya ay si Aljur para pansinin at ligawan na siya sabay tawa at sabing nagbibiro lang siya.

Loveless si Kris at 18 years old. Wala raw siyang manliligaw.

* * *

NA-INSPIRE si Alyssa Alano ng manager niyang si Tita Annie, kaya nag-produce rin ng show sa Metro Bar, Allure, sa October 1.

Kasamang rarampa ni Alyssa sa stage sina Jamilla Obispo at Jennifer Lee.

Nang tanungin kung ano talaga nag-undyok sa kanyang mag-produce samantalang kumikita naman siya sa pagho-host ng Startalk at pagge-guest sa iba’t ibang programa ng GMA-7, ang sagot ni Alyssa, “Hindi po tayo dapat makuntento sa ginagawa natin. Sinubukan ko na po ang acting on stage. Since model naman po talaga ako, naisip ko pong mag-produce ng lingerie show. Sana nga po suwertehin.”

Naaliw lang kami sa hitad nang itanong namin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng “allure.”

“Tito, puwede po munang mag-CR, kasi wiwing-wiwi na po ako,” buwelta sa amin ni Alyssa.

’Di ba, character talaga siya?

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Amanda Griffin
Angela Velez
Renee Summer
702
Cindy Kurleto
KC Concepcion

 


Comments

Got something to say?





Advertiser