Robin hihingi ng tawad kay Juday
September 23, 2008
GUSTO ni Judy Ann Santos ng retraction mismo kay Robin Padilla sa mga pinagsasabi nito sa kanya nang huli itong ma-kausap ng press tungkol sa pelikulang Sundo.
Nasabi ni Robin kay Juday na kung mag-kakasama sila uli sa movie ay dapat kasal na si Juday dahil baka maagaw pa niya ito kay Ryan Agoncillo.
Baka rin daw kidnapin niya ang dalaga.
“Sobra naman iyon kahit biro. ’Di dapat ganu’n. Hindi ko matanggap ang pana-nalita niya. Da-pat i-retract niya ‘yon. Kahit biro ‘yon, eh, hindi pa rin maganda,” reaksyon ni Juday.
Nang ikuwento ni Juday kay Ryan ang mga si-nabi ni Robin, hindi raw ito siner-yoso ng binata.
Si Juday lang ang masyadong nagdamdam sa sinabi ni Robin.
Ang huli naming nasagap na balita, handa raw humingi ng tawad si Robin sa ginawa niyang “pagbibiro” kay Judy Ann. Isa sa mga araw na darating ay personal niya raw kakausap ang dalaga para humingi ng paumanhin.
Read Judy Ann Santos Biography >>
Related News
No. of Views: 363 views
Tags: Judy Ann Santos, Robin Padilla
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














