Maraming tao ang naasar kay Wendy Valdez
September 26, 2008
MARAMI ang naiinis at naaasar ngayon kay Wen-dy Valdez.
Bukod kasi sa very effective performance niya sa I Love Bet-ty La Fea bilang kontrabidang officemate ni Bea Alonzo, marami ring isyu against her.
Maraming hindi nagkagusto sa diu-mano’y pagwu-walkout niya sa Game Ka Na Ba dahil sa nangyari sa kanila ni Edu Manzano. Pero ayon kay Wendy, okey na ang lahat.
May isyu rin tungkol sa komisyon niya sa kanyang manager at kung anu-ano pa. Iniwan na rin siya ni Bruce Quebral dahil nagtrabaho na ito sa isang international airline.
Kaya during the presscon of Star Magic para sa support stars ng I Love Betty La Fea, hindi na niya napigilang mapaiyak.
“Mahirap pala ang showbiz. Hindi ako sa-nay sa ganitong mga intriga,” wika niya.
“Parang ang hirap yatang masanay na puro negatives ang sinasabi tungkol sa ‘yo,” dagdag pa niya.
Ang isa pang ikinasa-sama ng loob ni Wendy, para raw hindi na nabubura sa mga tao ang pasa-way image niya noon sa PBB house.
“Akala siguro nila, eh, talagang ganu’n ako. Hindi nila alam na ‘di naman ako masamang tao,” sabi ulit niya.
Related News
No. of Views: 312 views
Tags: Wendy Valdez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














