Henry Sy, todo-suporta kay Sarah Geronimo

September 29, 2008





DINAGSA ng fans ang show at autograph signing ni Sarah Geronimo sa Music Hall ng SM Mall of Asia nu’ng Linggo ng hapon.

Hindi magkamayaw ang followers ng dalaga dahil naging special guest niya ang visiting Backstreet Boys member na si Howie Dorough, na isang linggo nag-stay sa ’Pinas.

Nag-duet ang dalawa ng single na I’ll Be There mula sa bagong album ni Sarah sa Viva Records na Just Me.

Siyempre, nasa audience rin ang mga magulang ng Pop Princess, pati na ang manager nitong si Viva big boss Vic del Rosario, composer na si Christian de Walden, ang misis ni Howie D. at ang SM magnate na si Henry Sy.


Sabi ng isang eyewitness, avid supporter ni Sarah si Mr. Sy dahil lagi itong present sa SM shows niya hitsura nang naka-wheelchair na.

Samantala, ayon kay Sarah, dream come true talaga ang pakikipag-duet niya kay Howie, dahil big fan siya ng Backstreet Boys.

Si Howie naman, feeling honored na nakatrabaho si Sarah. Ang background daw nito ay ni-research pa niya sa Internet.

Dagdag niya, si De Walden ang nagparating ng offer ng Viva sa kanya, na agad naman niyang tinanggap.

Anyway, hindi nagtagal si Howie at ang misis nito sa Mall of Asia dahil kinailangan na nilang dumiretso sa airport para sa flight nila pabalik ng Tate.

Visit Sarah Gernimo Biography >>







Advertisers




Advertiser



Comments

Got something to say?






View My Stats