Joyce Jimenez naaksidente

September 29, 2008









Naaksidente si Joyce Jimenez 4 a.m. kahapon nang bumangga sa puno ang sinasakyang kotse.

Galing sa Urdaneta, Pangasinan, sa taping ng Philippines’ Scariest ng TV5 ang actress kasama ang road manager na si Donboy at alalay at pauwi na sila ng Maynila.

Iniwasan ng driver nina Joyce ang kasalubong na bus, nag-swerve sa palayan ang kotse, nagpaikut-ikot bago bumangga sa puno, kaya total wreck ito.

Agad silang dinala sa Sacred Heart Hospital sa Urdaneta bago nilipat sa Medical City.

Noong una’y ’di maigalaw ni Joyce ang mga paa at may sugat pa sa mukha, pero okey na siya ngayon.


Nilagyan ng brace ang leeg at may stitches ang face at body.

Ang road manager naman na dinala sa emergency room ng Medical City ay iba’t ibang test ang ginawa bago pinauwi.

Wala rito si Shirley Kuan, manager ni Joyce, dahil humabol kina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa Vienna para sa screening ng For the First Time.

Bagong kasal si Joyce at ’di kami magugulat kung biglang dumating ang husband ng actress, si Paul Egbalic, na based sa Tate.

View Joyce Jimenez Picture Gallery >>

Related News







Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Comments

Got something to say?





Advertiser