Ruffa Gutierrez mas may sense kesa kay Kris Aquino
November 3, 2008
Si Ruffa Gutierrez ang inaabangan namin sa segment ng The Buzz na POV (points, opinions, and violent reactions). Marami ka talagang masasagap na balita sa TV host/beauty queen.
Siya rin mismo ang nag-share ng chika na sa set ng Desperadas ay pinag-uusapan din ang umano’y sweetness nina Marian at Dingdong.
Nakatutuwa dahil matapang si Ruffa na magbigay ng mga opinion about issues that they are dealing with. Alam niya kung kailan magko-comment and when she should shut up.
At may sense ang mga interview ni Ruffa kesa kay Kris Aquino. Kaya tuloy hindi maiwasan na pagkumparahin silang dalawa ni Kris.
Siyempre, magkaiba naman ang hosting style nila, ang manner kung pa-ano umatake sa mga katanungan at opinion. In fairness, gusto na-min ang kumbinasyon ng opinion nina Ruffa at Boy Abunda lalo na pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa relasyon, pag-ibig at career ng bawat artista.
Related News
No. of Views: 881 views
Tags: Kris Aquino, Ruffa Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














