Dingdong Dantes at Karylle umamin na break na sila
November 6, 2008
Kahapon lumabas sa Philippine Star column ni Ricky Lo ang pag-amin nina Dingdong at Karylle na break na sila.
Tuesday evening, kausap ng press ang actor sa shooting ng One True Love and in fairness, kahit imbiyerna na ang writers sa hindi diretsahang sagot sa mga tanong sa kanila ng ex-girlfriend, mapupuri pa rin si Dingdong dahil sinunod ang usapan nila ni Karylle na hindi niya ipi-preempt ang sabay nilang pag-amin.
Nakumpirma lang ng press na wala na sila ni Karylle nang tanungin si Dingdong kung alin ang mas masakit na break-up, kung ’yung sa kanila ni Antoinette Taus o itong sa kanila ni Karylle.
Ang sagot ni Dingdong ay “itong pinaka-recent, the present.”
Kailan lang siguro nag-break sina Dingdong at Karylle dahil sa pictorial ng Yes! sa pad ng actor noong September 28, nasa bahay pa niya ang ex.
Ang napansin lang, wala na silang kilig together at parang magkapatid na lang ang turingan.
Alam ni Dingdong na negative ang dating niya sa ibang tao at hindi niya masisisi ang mga magagalit sa kanya, pero binibigyan pa rin niya ng halaga si Karylle, special pa rin ito sa kanya at marami silang “good times” together.
“’Yung sa Sonya’s Garden, favorite place ko ’yon. Every special occasion, andu’n ako with my family. Hindi kami magkasama ni Marian, I was with other people.”
Anong hihilingin niya sa tao after mabasa ang confirmation ng break-up nila ni Karylle?
“Wala akong hihilingin. I can’t control their reaction, but I’m always for the truth and at the end of the day, it will come out.”
May relasyon ba sila ni Marian?
“Wala! She has nothing to do with this. But I would like to maintain the status quo, we’re okey, we believe our partnership is working at ayaw naming sirain ’yon.”
Paano niya puprotektahan si Marian sa mga maniniwalang kasalanan nito ang nangyari?
“Ako na ang nagsasabi, wala siyang kinalaman.”
Sa press lang nalaman ni Dingdong ang tsismis na lilipat sa ABS-CBN si Karylle, patunay ’yon na ’di na sila nag-uusap at nagkikita.
“Sana hindi siya lumipat, she’s a big asset sa GMA- 7.”
Bilang panghuling pakiusap, sabi ni Dingdong, sana ’wag nang ungkatin kung anuman ang nangyari sa kanila ni Karylle.
Hindi rin niya alam kung paano nito hina-handle ang sakit na dala ng kanilang break-up.
“Wala kaming agreement ni Karylle na hindi na kami magsasalita, pero gugustuhin kong ’wag nang magsalita. I’d like to deal with it sometime, not now na may movie kami.
“I believe we have a good movie at ayaw ko sanang isabay ang isyu sa amin ni Karylle. Gusto ko malinis ang pasok ng pelikula,” pagtatapos ni Dingdong.
Related News
No. of Views: 1,110 views
Tags: Dingdong Dantes
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
One Response to “Dingdong Dantes at Karylle umamin na break na sila”
Got something to say?















DINGDONG AND MARIAN ARE TOGETHER! THEY HAVE A RELATIONSHIP.
Did u know na one night, hindi na sila umabot pa sa room. Sa car sila nagsex. Sinita sila ng security guard sa parking area ng isang private place in tagaytay. Dingdong gave P5000 sa security guard.