Jericho Rosales ipinagpalit ni Heart Evangelista sa matanda
November 14, 2008
Panalo na naman ang GMA sa pinakabago nilang telepantasya na Luna Mystika. Kamangha-mangha kasi ang istorya nito.
Saan ka naman makakakita na ipinanganak na may kakambal na isang anino?
Yes, dual role si Heart Evangelista dito, bilang si Luna na nagmana ng kapangitan sa amang si Ariel Rivera na pinaghihinalaan na isang engkanto.
Siya rin si Celestina ang kakambal na anino ni Luna na nagiging isang magandang binibini tuwing sasapit ang gabi.
Sa totoo lang, lalong nag-shine si Heart nga-yong nasa GMA na siya dahil binibigyan siya ng magagandang projects ng network kaya bumalik na naman siya sa A-list ng mga celebrities natin.
At kasabay nito ang katakut-takot na intri-gang ipinupukol sa kanya.
Nandiyan na ‘yung nakuhanan siya ng naka-two piece kasama ang kanyang bagong non-showbiz BF habang nagbabakasyon sila saglit sa Boracay.
“Nahihiya ako sa boyfriend ko dahil hindi naman siya taga-showbiz. Hindi ko naman akalain na may photographer sa paligid kasi wala naman tao sa beach dahil off-season ngayon sa Bora.
“Kaya nga nag-two-piece ako dahil ang alam ko nasa pribadong lugar ako. Naku, ayoko nang bumalik sa Bora!” paha-yag ni Heart.
Hindi naman ipinagkait ni Heart ang identity ng bago niyang BF. Francisco Delgado ang pangalan nito at isa itong shipping magnate.
Ito ay 34 years old at 5 months na silang may relasyon pero matagal na raw niya itong kakilala as in noong seven years old pa lang siya ay kilala na niya ito dahil family friend nila ito.
Eleven years ang age difference dahil 23 years old siya ngayon.
Mas nagugustuhan na ni Heart ngayon ang older men dahil “They have a lot of wisdom. They know what they want. They can protect you!”aniya.
Related News
No. of Views: 1,039 views
Tags: Heart Evangelista, Jericho Rosales
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














