Iza Calzado masyadong mabait kaya inapi sa billing
November 19, 2008
Finally ay may launching movie na sina Jose Manalo at Wally Bayola, ang Scaregivers na ipapalabas na sa Nov. 26.
Mga holdaper sila dito na nagpanggap na mga sira-ulo para hindi sila maikulong pero itinapon naman sila sa isang mental hospital kung saan may multong pumapatay ng mga pasyente.
Sila na raw ang bagong Dolphy at Panchito o bagong Michael V at Ogie Alcasid.
Aba, sina Iza Calzado at Ehra Madrigal lang naman ang leading ladies nila dito.
At nag-guest din dito sina Marian Rivera at Bossing Vic Sotto.
Kasama rin si Paolo Contis bilang multo.
Lately ay nalagay sa headline si Jose dahil sa pagrereklamo diumano ng kanyang asawa dahil sa kawalan niya ng sustento sa pamilya niya.
Pinabulaanan ni Jose ang balitang ito.
“Walang katotoha-nan ‘yan. Tuluy-tuloy ang sustento ko sa dalawa kong anak na babae na 11 at 12 years old at ako rin ang nagpapaaral sa kanila. Tuwing birthday nila at Pasko ay pinagsa-shopping ko sila. At dinadala sila sa akin para ma-kasama ko sila once a week. Ang nanay lang naman nila ang hindi ko makasundo.
“Gusto ko ring iklaro na second wife ko ‘yung nagrereklamo at ‘yung first wife ko ang kasama ko ngayon. Eight years na kaming hiwalay ng second wife ko. Nagkita at nagkabalikan naman kami ulit ng first wife ko kung saan lima ang anak ko at ang panganay kong lalaki ay 23 years old.
“Kaya nga kayod marino ako para may pantustos ako sa mga pamilya ko. Buti na lang at napakabait ng first wife ko at ininvest pa niya ang pera ko sa iba’t ibang negosyo tulad ng Chicken Inasal resto, school sa Cainta at resort sa Antipolo at V. Luna. Kung masama si-guro akong tao, eh, hindi ako ibe-bless ni Lord nang ganito,” pahayag ni Jose.
***
Hataw ang career ngayon ni Iza Calzado.
Bago ipalabas ang Scaregivers ay una munang ipapalabas ang pelikula niyang One True Love under GMA Films kasama sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Pero mukhang nadehado yata siya sa billing niya sa movie kasi in fairness, pantay-pantay na man ang roles nilang tatlo pero mas binigyan ng importansiya sa billing ang loveteam nina Dingdong at Marian.
“Pangit din pala ang masyado kang mabait minsan. Kasi sa totoo lang, wala talaga akong pakialam sa billing. Mas priority ko ang galing ng pag-arte ko sa pelikula. Pero dapat pala ay alagaan ko na rin ang pangalan ko sa billing dahil sa estado ng career ko ng ngayon. Kasi it reflects kung ano na ba ang narating mong estado sa showbiz. Buti na lang maganda ang picture ko sa poster namin,”pahayag ni Iza.
Hindi naman namin alam kung bakit hindi siya ipinaglaban ng GMA Artist Center sa aspetong ito lalo nang ang GMA Films mismo ang nag-produced ng One True Love.
Dapat lang ay pinorotektahan din siya ng GMA kasi exclusive contract star din siya ng network tulad nina Dong at Marian.
Sa usapang hiwalayan blues nina Dingdong at Karylle, ngayong inamin na mismo ng dalawa ang tungkol dito, puwede na ba niyang ipahayag ang totoong saloobin niya tungkol sa bagay na ito?
“Maybe that is really meant to happen. Although nakakalungkot nga ang nangyari. Wala akong kinakampihan kina Dingdong at Karylle. Pareho ko silang ka-close noon pa. Kaya I really cannot say anything.
“But I cannot say the same with Marian. Hindi naman kami magkabar-kada. We’re just collea-gues. Magkasama lang kami dito sa One True Love at Desperadas 1 & 2. Kaya I really cannot sympathized with her!” ani Iza.
‘Yun na!
Related News
No. of Views: 310 views
Tags: Iza Calzado
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














