Karylle hindi na apektado kahit visible sina Dingdong, Marian Rivera

November 19, 2008









Hindi pa nakakapirma umano ng kontrata si Karylle sa ABS-CBN pero anytime soon ay magiging certified Kapamilya na ang singer/ stage actress.

Ito rin ay ibinalita ni Gary Valenciano nu’ng mag-guest si Kaye sa concert ng Total Performer nu’ng Sabado sa Big Dome.

Isa si Karylle sa mga nag-perform with Gary at kinanta nila ang Muli, (originally performed by Zsa Zsa Padilla and Gary V.) at ang galing ng rendition nila, in fairness.

Napanood din namin ang panayam kay Karylle ng The Buzz kung saan kinumusta siya after the much talked about break-up with Dingdong Dantes.

Aminado ang dalaga, hindi raw ito ganoon kadali but she is getting better each day.

May proseso siyang pinagdaraanan at muk-hang maayos namang nagagawa ni Karylle ang mga bagay sa buhay niya.

In fact, while she was singing with Gary on stage, hindi mo iisiping she’s going through a lot.

Propesyunal ang da-laga at hindi siya muk-hang ngarag because of the break-up.

Sa gitna ng rollercoaster of emotions na pinagdaraanan ni Karylle, ito naman ang height ng promo ng pelikula nina Dingdong at Marian Ri-vera.

Hindi talaga maiwa-sang maging visible sila these days.

Sa panayam pa rin kay Karylle, sinabi nitong hindi pa raw niya nakikitang magkasama sina Dingdong at Marian.

Naniniwala ba siyang may namamagitan kina Dingdong at Marian?

No comment ang isinagot ng dalaga sa pa-nayam sa kanya.

Sa totoo lang, bilib kami sa sense of acceptance ni Karylle.

Hindi madali ang pinagdaraanan nila ni Dingdong lalo pa’t may nai-pundar na sila at may mga magagandang alaala.

Gusto namin ang sinabi ni Karylle na gustuhin man nila, hindi na nila hawak ang mga pangyayari.

That’s why people part ways.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Asia Agcaoili
Joyce So Picture Gallery
Sunshine Cruz
Amanda Griffin
Joyce So Picture Gallery
KC Concepcion

 


Comments

Got something to say?





Advertiser