Paglayas ni Diether Ocampo sa Kapamilya udyok ng Star Magic head

November 21, 2008









FINALLY, pumirma na ng four-year picture contract si Diether Ocampo sa GMA-7.

The contract will take effect immediately kung kaya’t may nakahandang teleserye kaagad para kay Diet.

Dahil isa na siyang Kapuso, kasama na si Diether sa cast ng pina-kabagong teleserye na sisimulan ng Siyete, ang Pinoy version ng All About Eve. Makakasama niya rito sina Richard Gomez, Sunshine Dizon at Iza Calzado.

Walang project si Diet sa Dos pagkatapos ng Iisa Pa Lamang, kaya ito rin ang isa sa mga da-hilan kung bakit nagdesisyon na siyang lumipat ng network.

Alam ng head ng Star Magic na si Johnny Ma-nahan ang career move na ito ni Diet. In fact, si-ya pa ang kumumbinsi kay Diether na lumipat na.


As we all know, si Mr. M ang tumatayong tatay ng talents ng Star Ma-gic. Sampung taon ding naging Kapamilya si Diet. Pero ganyan talaga, each one has to move on, and seek bigger opportunities.

May ilan ngang nagtatanong kung may tampo raw ba si Diet sa Star Magic dahil obviously, hindi siya nabigyan ng mga proyektong dapat ay nasa kanya?

Well, sana ay masa-got ito ni Diet sa tamang panahon. Knowing him, marunong tumanaw ng utang naloob ang aktor at kailanman, hindi niya ookrayin ang mga taong minsan ay nag-alaga rin sa kanya.

Sa ngayon ay inaasahan na ang isang reunion show ng dating magkakapamilya — Diether, Mar-vin Agustin, Mylene Dizon at Jolina Magdangal — sa GMA-7.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Cindy Kurleto
KC Concepcion
Jaymee Joaquin 813
Marian Rivera Picture Gallery
Asia Agcaoili
Nancy Castiglione

 


Comments

Got something to say?





Advertiser