Kris Aquino, ipinagtanggol ni Ruffa Guttierrez

November 25, 2008









Pinag-uusapan kasi at inaabangan every Sunday ang mga suot nilang damit, pati na ang kani-kanilang opinyon at ibabalita, partikular na sa POV (Points, Opinions and Violent Reactions) segment.

“Oy, huwag n’yo naman kaming intrigahin ni Kris. Baka mag-resign na ’yan sa December, wala na kaming host. I like her. I want her to be in The Buzz, she said.
Dagdag pa niya, “I think Kris likes me. She includes me in her daily devotional prayer. Tine-text niya ako ng mga prayer niya, sinasabi niya sa akin kung ano ang isusuot niya sa The Buzz, like ‘for this Sunday, for your information, I might be wearing pink or orange.’

“So, I mean, meron talagang teamwork. I think, importante talaga sa isang show na may teamwork kami.”

When it comes to hosting, may sarili naman daw siyang style at ganu’n din si Kris.


“Si Kris kasi, says right away what she feels. She’s very frank, very honest. Ako, sometimes, ganyan din. Pero minsan, mas iniisip ko. Saka, naa-affect ako right away. Kapag may nagre-react, iniisip ko, ‘My God, baka galit na siya sa akin?’ Si Kris naman, parang ‘care ko’ (ang attitude) ’di, ba?

Tinanong din si Ruffa kung hindi ba siya nao-offend kapag binabara siya ni Kris sa POV Segment at aniya, wala naman daw siyang matandaang ginawa sa kanya ng co-host ang ganu’n.

“Minsan, iniisip ko nga kung kailan ako binara (ni Kris). Parang wala naman akong matandaan na binara niya ako.

“People are telling me, ‘My God, bakit ganu’n siya makatingin sa ‘yo?’ Saan? Parang wala naman akong matandaan. Sabi ko, baka naman iniintriga lang kami.”

Tungkol naman sa comparison ng kanilang gowns at kung sino ang mas expensive, ani Ruffa, ’yung sa kanya ay libre lang dahil may sponsors siya.

Hindi lang daw niya alam kung ganu’n din si Kris.

Ipinagtanggol din ni Ruffa ang The Buzz sa kalabang programang Showbiz Central, kung saan as everybody knows, isa sa hosts ang kapatid niyang si Raymond Gutierrez.

“You know, we’ve gotten good reviews. I mean, we’re talking around the world. Huwag naman tayo sa Metro Manila lang. Although my brother (Raymond), I love my brother, and I also want him to be successful.”

Kuwento nga niya, may bumisita raw na grupo sa set ng Desperadas 2 na galing sa Europe.

Sa dinami-rami nilang bidang pawang mga sikat, sa kanya lang lumapit ang grupo at nagpa-picture.

“Naloka ako, kasi ako lang daw ang kilala nila dahil napapanood nila ako sa The Buzz,” tuwang-tuwa niyang kuwento.

By next year, Ruffa informed us na baka simulan na niya ang movie with Bong Revilla under Star Cinema at siyempre, gabi-gabi (Mondays through Fridays) pa rin siyang napapanood sa I Love Betty La Fea bilang kontrabidang si Daniella.

Related News







Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Comments

Got something to say?





Advertiser