‘Startalk’ ayaw tapatan ni Lorna Tolentino

November 28, 2008





Finally, masasabi nang certified Kapamilya na ulit si Lorna Tolentino dahil last Wednesday night, pumirma na ng kontrata ang magaling na aktres sa Dos.

Exclusive two-year contract ang pinirmahan ni LT with her manager, Lolit Solis, sa harap ng mga executive ng network na sina ABS-CBN president Charo Santos-Concio, ABS-CBN head for TV production Cory Vidanes at Star Cinema managing director Malou Santos.

Pagkatapos ng contract signing, nagkaroon ng presscon, kung saan ay nilinaw ng aktres na ang kanyang paglipat ay maayos niyang ipinagpaalam sa mga bossing ng GMA-7.

Naging mabait din daw ang ABS-CBN dahil kahit exclusive ang contract niya, pinapayagan siyang mag-guest sa kabila, which means, puwede pa nating makita ang aktres sa Kapuso channel.


Dalawang teleserye sa ABS-CBN at dalawang pelikula sa Star Cinema ang nakatakdang gawin ni LT.

By January, baka magsimula na siya ng first soap, which will possibly team her up again with Gabby Concepcion and Albert Martinez.

Natanong si Manay Lolit kung okay lang ba sa kanyang makatambal ni LT si Gabby at ayon sa manager, oo naman, dahil magaling na aktor si Gabo.

As for LT, hindi lang si Gabby ang gusto niyang makatrabaho ulit kundi ang iba pang Kapamilya actors tulad nina Aga Muhlach at Piolo Pascual.

Sa pelikulang gagawin niya, wala pang masabing detalye si LT dahil wala pa rin daw sinasabi sa kanya. Pero, tiwala siya sa Star Cinema na maaalagaan siya nang husto at mabibigyan ng proyektong nababagay sa kanya.

Asked kung puwede pa siyang tumanggap ng talk show, ani LT, puwede naman as long as hindi katapat ng Startalk, na dati niyang programa sa GMA-7.

Mas okay din daw kung hindi na showbiz-oriented.

“Lifestyle (show), ganu’n. Kung gusto nila akong paakyatin ng bundok at may gusto silang ipa-discover, why not?” say pa niya.

Bagama’t kasalukuyan pang nasa recovery stage sa pagpanaw ng asawang si Rudy Fernandez, LT says she’s ready to work dahil nakatutulong ito para ma-lessen ang kalungkutang nararamdaman niya.

Ang unang proyekto ni LT sa Kapamilya ay ang kare-release lang na Hope CD ng Star Records.

Ang nasabing album ay tribute kay Daboy, na ang aktres mismo ang nag-conceptualize.







Advertisers




Advertiser



Comments

2 Responses to “‘Startalk’ ayaw tapatan ni Lorna Tolentino”

  1. mary ann on April 6th, 2009 2:32 am

    haller ang ganda talaga ni ms LT NO kesa sa ibang artista hrhrhehehehe

  2. leslie on July 25th, 2009 1:25 am

    mabuti naman at nalipat na ang idol ko sa abs-cbn.. di ako kuntento sa mga roles na binibigay nila kay LT.. She doesnt desrve it at all.. isang grandslam queen bgyan na lang ng mga mother roles..

    mas magaganda pang di hamak na binigay nilang project kila eula at jean garcia.. have nothing against the two pero my God ano ba namn ang panama nila sa ganda at stature ni LT as an actress..

    naasar tuloy ako kay lolit at pinabayaan nya idol ko. !!

    but now okey na !! at least sa abs-cbn balik na siya sa mga glamurosang role nya.. who wold ever forget RED BUTTERFLY ???

    Good luck LT… MORE MOVIES AND PROJECT TO COME…

Got something to say?






View My Stats