Cristine Reyes mas maraming project kesa kay Ara Mina

November 28, 2008





SA Dec.1 (Lunes) ay ipapalabas na sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang Eva Fonda na pinagbibida-han ng da-ting Kapuso star Cristine Reyes.

Nakapa-nayam namin si Cristine sa presscon ng nasa-bing serye. Sinabi niya na nagulat si-ya, pero na-tutuwa rin dahil finally ay ipapalabas na ang kanyang te-leserye.

“Nagulat ako, pati si Princess (Ryan], sina Direk Bobot [Edgar Mortiz, direktor ng Eva Fonda). Tuwang-tuwa kami! Sobrang kinikilig kami, sigawan talaga kami dahil finally ay ipapapalabas na ang Eva Fonda,” masayang kuwento ni Cristine.

Bale dalawa na ang serye ni Cristine sa primetime. Bukod sa Eva Fonda ay kasama rin siya sa Kahit Isang Sag-lit, na pinagbibidahan naman nina Jericho Rosales at Carmen Soo.

“Sabi nga sa akin ni Tita Cory (Vidanes), ako lang daw ang may dalawang serye sa kani-la,” nakangiting sabi ng young actress.

Sa mga eksenang drama na magkasama sina Cristine at Carmen, maraming nagsasabi na nilalamon sa pag-arte ng una ang huli. Ano ang reaction ni Cristine tung-kol dito?

“Si Carmen, kasi mo-del naman siya. So, hindi siya sanay sa heavy roles. Tinutulungan naman namin siya pagda-ting sa acting,” ani Cristine.

Mas sikat na raw siya sa ate niyang si Ara Mina dahil mas marami siyang trabaho kesa rito?

“Maraming projects siguro,” sagot niya. “Pe-ro hindi naman mas si-kat, kasi siyempre mas matagal na siya sa industriya, ‘di ba? Kahit pumunta ako sa ibang bansa, mas kilala siya kesa sa akin. Ako, thankful na lang kung merong nakakikilala sa akin doon. Pero hindi ko naman hangad ‘yong mas sikat ako sa kapatid ko.”

Kumusta na ba ang relasyon nila ng ate Ara niya?

“Okey naman kami. Nagkikita-kita kaming family. Wala pa kaming plano sa Christmas. Si-guro ‘pag malapit-lapit na, saka kami magpa- plano,” aniya.

Kumusta naman sila ng ex-boyfriend na si Dennis Trillo?

“Wala na kaming communication,” ma-ikling sagot ni Cristine. May mga nanliligaw ba sa kanya ngayong single na ulit siya?

“Meron, pero ayoko muna silang i-entertain,” aniya pa.

May mga taga-showbiz daw na nanliligaw kay Cristine, pero ayaw niyang banggitin ang panga-lan ng mga ito.

“Secret. Ayokong mag-name names!” Tawa niya.

Hindi kaya ang dahilan kaya ayaw ni-yang mag-entertain ng suitors ay sila pa rin ni Dennis?

May mga nagsasabi kasi na hindi naman daw sila talagang nag-break.
Itinatago lang daw nila ang kanilang relas-yon para proteksyunan ang career ng bawat isa.

“Wala na talaga, as in wala na kahit text,” diin ni Cristine.

“Hindi na kami nag-kikita or something. Ka-hit mga kaibigan niya na naging friends ko rin, hindi ko na rin naka-kausap.

“Pati parents niya, na naging dating ka-close ko, hindi ko na rin nakakausap,”seryosong pahayag ni Cristine.







Advertisers




Advertiser



Comments

Got something to say?






View My Stats