Diether Ocampo, hindi tuloy sa siyete
November 28, 2008
SA gitna ng katanungan kung lumipat o lilipat nga ba ang Kapamilya homegrown talent na si Diether Ocampo sa Kapuso channel, isang ranking GMA-7 official ang finally ay nagsabing: ’Di tuloy ang paglipat ni Diether.
Nakapagtataka lang ang rason na ibinigay nito sa pagkakaudlot ng pagpirma ng aktor sa Siyete.
Hindi pa raw pala “malinis” ang pag-alis ni Diether sa ABS-CBN.
Meaning to say, may sabit pa ito, either kontrata o kung anong memorandum of agreement ek-ek.
Pati nga raw shoot ng GMA-7 plug, hindi na sinipot ng aktor.
Patunay lamang daw na hindi nga nag-materialize ang plano nitong pag-o-ober-da-bakod.
“Ewan ko sa kanya, ang gulo-gulo,” sey pa ng ranking GMA-7 official.
Related News
No. of Views: 144 views
Tags: Diether Ocampo
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?