Katrina Halili ayaw makasama sa pelikula ni Vilma Santos

November 28, 2008





NAURONG ang pag-alis ni Katrina Halili patungong Amsterdam para sa shooting ng solo movie niyang Miss X.

Dapat ay aalis na siya ngayong Nobyembre, pero dahil kailangan din siya rito para sa promo ng pelikulang One Night Only, nagpasya ang OctoArts Films (producer ng dalawang pelikulang nabanggit) na next year na lang simulan ang shooting ng original Vilma Santos film.

As of presstime, wala pang leading man si Katrina sa Miss X. Kasalukuyan pa raw pinag-iisipan ng OctoArts kung sino ang ipapareha sa kanya.

Nang tanungin namin ang actress kung sino ang top-5 niya na gustong makatambal, buong ningning niyang sinabi na sina Piolo Pascual, Sam Milby, Mark Anthony Fernandez, Dennis Trillo at John Lloyd Cruz.

Nalungkot si Katrina sa hindi pagkakatuloy ng special appearance ni Vilma Santos sa Miss X. Hindi naman daw siya nasaktan nang mapabalitang tinanggihan ito ng star for all seasons at naiintindihan naman daw niya na super-busy lang si Gov. Vi.

“Siyempre, gusto ko rin po siyang makatrabaho pero siguro po, wala lang talaga siyang time. Pero sana magka-katrabaho rin kami someday,” deklara ni Katrina.







Advertisers




Advertiser



Comments

Got something to say?






View My Stats