Marian Rivera, pinasan ni Dingdong Dantes

November 28, 2008





Dumating si Marian Rivera sa blowout para sa success ng One True Love na naka-wheel chair.

Na-fracture nga kasi ang kanan niyang paa nang matapilok habang tumatakbo sa shooting ng Nieves episode ng Shake, Rattle & Roll X dahil natakot sa kapre.

Dinala siya sa Medical City at du’n nalamang three to four weeks kailangang i-cast ang kanyang paa, puwede siyang tumayo, pero bawal maglakad for four days.

Kahit hirap, tuloy ang shooting niya ng SR&RX at Desperadas 2, pero nakaupo na lang siya.

Tuloy din ang alis niya sa December 2 para sa show nila ni Dingdong sa Los Angeles, pero kakanta na lang siya at ’di na sasayaw.

Pumunta sa ospital si Dingdong para i-check ang lagay ng actress at agree itong kailangang i-cast ang paa ng kapareha.

Kahit naka-wheelchair (courtesy of GMA Kapuso Foundation), pupuntahan lahat ni Marian ang natanguang trabaho, pati ang Jag event today at ang Walk of Fame ni German Moreno sa December 1.

Ang problema’y ang scheduled first taping day ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang sa December 11.

Kailangan na nilang mag-umpisa dahil February 2, 2009 na ang pilot nito.

Samantala, nakaalis na ang karamihan sa press nang hiritan daw ni Marian si Dingdong na buhatin siya nito pababa ng Imperial Palace Suites.

Actually, paalis na raw si Dingdong nang balingan ni Marian at konsyensiyahing “akala ko ba, bubuhatin mo ako?”

Dalawang beses daw siyang pinasan ni Dingdong, bumaba nu’ng una dahil ayaw magpakuha ng litrato sa People’s Tonight entertainment editor na si Ian Fariñas.

“Momsie, paalisin mo siya!” dialogue ni Marian sa manager na si Popoy Caritativo.

Smile lang ang isinukli ni Popoy sa siney ng alaga, in fairness.







Advertisers




Advertiser



Comments

Got something to say?






View My Stats