“Sanay na ako sa sarcastic comments ni Kris Aquino!” – Ruffa Gutierrez
December 12, 2008
|
|
“LET’S all move on in the spirit of Christmas!”
Wika ni Ruffa Gutierrez nang makapanayam namin siya sa exclusive press conference para sa kanyang muling pagi-endorso sa clothing lines ng Kisses & Co.
Ikalawang taon na ito ni Ruffa sa Kisses & Co. at kaya naman daw niya muling tinanggap ang another one year contract as endorser ng said company dahil bilib siya sa mga damit nito.
“Hindi makati sa balat ang mga damit ng Kisses & Co. ‘di tulad sa ibang damit na naisuot ko na kalalapat pa lang sa skin ko, ang kati na, magaspang kasi ang tela,” wika pa ni Ruffa.
In the middle of our interview naungkat ‘yong diumano’y pang-uukray sa kanya ni Kris Aquino sa The Buzz ng ABS-CBN kung saan sila mag-kasama bilang hosts.
“Sanay na ako sa sarcastic comments ni Kris. Si Kris naman wouldn’t mean na bara-barahin ako sa harap ng kamera,” aniya.
A very good friend naman daw si Kris, talaga lang medyo taklesa sa pagko-comment sa iba’t ibang issues.
“At hindi naman ako nagpapaapekto sa kung anu-anong kanegahan ng friends natin sa showbiz,‘di ba? And we should not or else masisira ang mood natin,” Saad pa niya.
In terms of income, alin ang rewarding as of now kay Ruffa, ang acting career niya or as product endorser?
“Labis akong nagpapasalamat kay God sa napakaraming blessings na ibinibigay niya sa akin.
“Mayroon akong TV shows…I Love Betty La Fea, The Buzz, etc. at merong akong movies and now itong Desperadas 2 na entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival.
“Meron din akong ilang iniendorso, at isa nga riyan ay itong mga damit ng Kisses & Co.
“So, I think, in terms of income, masasabi kong parehong rewarding ang acting career ko at as endorser. Mahirap magkumpara. Kasi, pa-rang nagrereklamo ka roon sa isa, ‘di ba?
“And ayokong mag-reklmo sa blessings na ibinibigay sa akin ni God,” sagot ni Ruffa.
Napag-uusapan na rin lang ang money matter, ano ba ang pagkakaiba ni Ruffa noon at Ruffa nga-yon regarding on the financial aspect?
“Noon, magastos ako lalung-lalo na pagda-ting sa pagbili ng mga damit, accessories at kung anu-ano pang ga-mit ng babae. Gusto ko ay ‘yong mga imported.
“Pero ngayon, mas maingat na ako sa paggastos. Ang mga kinikita ko, iniipon ko para sa future ng mga anak ko.
“Nakinig ako sa payo ni Kris (Aquino) tungkol sa pagsisinop ng kinikita. Kasi nga naman, who knows, biglang magbago ang ihip ng hangin at biglang mawalan ako ng career sa Pilipinas o bigla kong maisipang mag-abroad,”ayon pa kay Ruffa.
Wala raw kasing ba-lak na sa Pilipinas mag-stay sa kanyang pagtanda si Ruffa. Baka nga raw soon ay umalis na silang mag-iina papunta sa ibang bansa. Pero, definitely, hindi raw sila titira sa Istanbul, Turkey.
“Maaaring sa U.S. o Europe,” aniya.
Sinasamantala lang daw ni Ruffa na mabango pa ang kanyang career sa sariling bansa.
“Lahat naman ay may ending, ‘di ba? Ang dapat lang, kapag medyo hindi na tayo kailangan sa isang lugar o propes-yon, ‘wag tayong magmukmok . Dapat ay palagi tayong handa sa anumang changes at mag-move on tayo agad. Life is like that,” aniya.
Related News
No. of Views: 3,965 views
Tags: Kris Aquino, Ruffa Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













