Angel Locsin, Luis Manzano nagdededmahan maging sa Internet

January 21, 2009









PALAISIPAN pa rin sa lahat kung split na nga ba sina Angel Locsin at Luis Manzano, o puwe-de pa bang maisalba ang relasyon nila?

Ito ang usap-usapan ngayon at ni isa sa dalawang involved ay hindi nagbibigay ng malinaw na pahayag about it.

Sa nakaraang pana-yam namin kay Angel, halatang naimbyerna ang aktres nang itina-nong namin sa kanya na nakalagay diumano sa Facebook account ni Luis ang break-up nila.

Agad namang sinabi ni Angel: “Ako rin, I’m pissed off and disappointed.”

Ang punto pa ni Angel, hindi naman daw kasi dapat inilalagay ang mga ganitong bagay sa Internet lalo pa’t maha-laga sa’yo ang taong pi-natutungkulan mo.

Nabalitaan din namin na sa sariling Facebook account ni Angel ay hindi na siya listed as ‘in a relationship’ status.

Ibig sabihin, ‘malaya’ na siya?

Pero, ano naman ba itong latest na mukhang nagkaayos na raw ang dalawa?

Ang gulo, ha!

Sa launching din ng Avon Star Kapamilya something nu’ng Linggo sa ASAP ‘09, kapan-sin-pansin na wala roon si Angel, isa pa naman ang aktres sa major endorsers ng nasabing beauty product.

Sinabi na lang ni Ruffa Gutierrez na mayroong sakit si Angel that day kung kaya she couldn’t make it.

Binati ng get-well message nina Billy Crawford, Nikki Gil at Ruffa ang aktres. Except for Luis na parang walang narinig at nagpatuloy sa kanyang hosting job. Ayaw lang kaya ni Lucky na ipahalatang okey na sila ni Angel kaya hindi na siya nagbigay ng kanyang mensahe?

O baka naman, ki-yeme lang na okey na sila!

Well, ‘yan ang sina-sabi namin na pagdating sa mga relasyon, hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas.

Sabihin kaya ni Luis kay Angel ang mga salitang Love Me Again?

Related News









Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Maureen Larrazabal 20.jpg
KC Concepcion
Alicia Mayer
Joyce So Picture Gallery
Heart Evangelista Photo Gallery
Kaye Abad

 


Comments

Got something to say?





Advertiser