Pagiging ‘babae’ ni Rustom Padilla ipinagbunyi ng Kabadingan
January 21, 2009
|
|
HINDI lang tribu ng kaba-dingan ang hanga kay Rustom Padilla (na si Binibining Gandanghari na ngayon) kundi maging ang sambayanang Pilipino dahil todo na ang kanyang paglaladlad ng tu-nay na pagkatao.
At least talagang nagpakatotoo ang aktor este aktres kaysa patuloy naman siyang nahihirapang magkunwaring tunay na lalaki habang-buhay.
Inspirasyon din si Rustom, este BB, sa mga kalalakihang hanggang ngayon ay itinatago pa rin ang tunay na kasarian sa kabila na sila pala’y may ‘dugong berde’ na nananalaytay sa kani-lang mga ugat.
* * *
MAS kinikilig, at mas ina-abangan ng mga tagaha-nga ni Richard Gutierrez kung sino ang magiging leading lady niya sa ba-gong teleseryeng Zorro sa GMA-7 kaysa sa ba-gong tambalang pelikulang When I Met U nila ni KC Concepcion.
Mas curious daw nga-yon ang fans ni Richard kung sino ang girl na ito na makakasama niya sa Zorro.
Kasi nga raw, tiyak na ang tambalang ito ang magpapataob nang husto sa numero unong Marian-Dingdong loveteam ng Siyete rin.
Marami rin ang nagsasabi na sana’y tinapos muna ng Kapuso network na maipalabas ang pelikula nina KC at Richard bago sila naglabas ng anun- syong nangangailangan sila ng leading lady para sa Zorro.
Tuloy, mas na-ging interesado ang mga manonood dito kaya natabunan ang pelikula ng dalawa.
Related News
No. of Views: 680 views
Tags: rustom padilla
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













