Jake Cuenca, Gerald Anderson sumasabak na sa PMA training

February 2, 2009









COURAGE. Integrity. Loyalty.

Iyan ang values na na-tutuhan nina Jake Cuenca at Gerald Anderson sa kanilang training sa Phil-ppine Military Academy.

Kahit pa sobrang la-mig ang temperatura sa Baguio, tiniis iyon ng bu-ong cast ng Tayong Da-lawa upang bigyang buhay ang mga susunod na kapana-panabik na tagpo.

Hindi madali ang kani-lang mga pinagdadaa-nang training upang ma-ging makatotohanan ang pagganap nila bilang PMA-ers.

Ultimo galaw nila ay limitado dahil sagrado para sa PMA-ers ang ka-nilang uniporme. Bawal itong magusot. Hindi sila puwedeng magpatawa o ‘di kaya’y sumigaw nang walang dahilan kapag suot nila ang uniform.

“Sobrang sikip, pero kailangan,” pahayag ni Gerald nang tanungin kung ano ang pakiramdam na suot ang uniporme.

Ayon sa isang PMA official na nag-facilitate sa mga eksena, ito na raw ang pinakamalaki at pina-kamahirap na taping/shooting so far.

Nahirapan ang dalawa sa kanilang mga eksena dahil walang CAT expe-rience sina Jake at Gerald.

Pero, dahil sa kanilang dedikasyon sa pag-arte, pinag-aralan nila nang husto ang mga galaw at disiplina ng mga mag-aa-ral sa PMA.

Hindi rin nagkait ng tulong ang PMA officials sa production. Tinuruan nila sina Gerald at Jake ng tamang techniques kung paano gagawin ang trainings programs. .

‘Wag palalampasin ang linggong ito na ‘di na-tutunghayan ang mga pinagdaanang training ng dalawang ‘David Garcia’ sa Tayong Dalawa na pi-nagbibidahan din ni Kim Chiu. Pagkatapos ito ng I Love Betty La Fea sa ABS-CBN Primetime Bi-da.

Related News







Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Comments

Got something to say?





Advertiser