Kasalang Edu Manzano – Pinky, may basbas ni Marya

March 20, 2009









“Happy ako para sa kanya,” ang sagot ni Maricel Soriano nang hingan ng reaksyon hinggil sa binabalak na pagpapakasal ng ex-husband niyang si Edu Manzano sa current girlfriend na si Pinky Webb.

“Alam mo, magkaibigan naman kami ni Edu. Game ka na ba?” pabakla pang sabi ni Marya.

“Sabi ko sa kanya, game ka na ba talaga ulit? Alam mo naman kaming dalawa, wala naman kaming ano, friends kami. I want him to be happy also,” dagdag pa niya.

So, legally, puwede na bang magpakasal si Edu ulit?

“Oo naman siguro, pero hindi naman ako ang pari, eh. Hindi naman ako ang magbabasbas,” pagpapatawa pa ng Diamond Star.

Ayon pa kay Marya, expired na ang kasal nila ni Edu since more than seven years na ito. But then, hindi nalinaw ng aktres kung officially annulled na ba sila ni Edu, pero nasabi niyang nag-usap sila ng aktor on how to go about it.

“Naku, huwag na nating dalirutin ang kasal na ’yan,” say pa ni Marya.

Samantala, excited siya sa T2, isang serious suspense-horror-drama mula sa direksyon ng tinaguriang “Master Director” na si Chito Roño. Tinatalakay ng pelikula ang tungkol sa engkuwentro ng mga tao at engkanto at trailer pa lang, matatakot ka na.

Nag-research pa si Direk Chito ng tungkol sa mga engkanto at ipakikita sa T2 ang mga kaalamang nakuha, kaya hindi raw ito isang ordinaryong fantasy film dahil first time ipakikita sa isang pelikula kung paano ba ang mga engkanto sa totoong buhay base na rin sa actual studies na nakuha nila.

Ipalalabas na sa April 11 ang T2. Kasama rin sa movie ang batang si Mica dela Cruz, Derek Ramsay, Camille Prats, Eric Fructuoso at marami pang iba with the special participation of John Lloyd Cruz and Camen Soo.

Related News







Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Comments

Got something to say?





Advertiser