Carmina Villarroel, nagpatutsada kay Rustom Padilla!
June 24, 2009
|
|
NAKAKaaliw ang pagkataklesa ni Carmina Villarroel sa The Buzz last Sunday. Sila kasi ni Zoren Legaspi ang sumalang sa Tough 10 segment ng naturang talk show at isa sa mga tanong ay kung ano ang gustong sabihin ngayon ng aktor sa yumaong ina ni Mina.
Ang sagot ni Zoren, siguradong nakangiti ngayon ang nanay ni Carmina dahil nakatagpo ang anak ng lalaking magmamahal sa kanya.
Dito sumingit si Carmina at ikinaloka ng lahat ang sinabi niya.
“Pwedeng dagdagan? Isang tunay na lalaki na tunay na magmamahal sa ’yo.”
Maging si Ruffa Gutierrez, na siyang nag-i-interview, napa-‘OMG (oh, my God!)’ at umugong ang malakas na reaksyon mula sa audience.
Paano naman, obvious na ang pinatatamaan ni Mina ay ang dating asawang si Rustom Padilla, na as we all know, nag-out na gay siya during his Pinoy Big Brother Celebrity Edition stint at ngayon ay si Bebe Gandanghari na.
Napabalita noon na ang tunay na dahilan ng kanyang separasyon ay dahil umano nadiskubre nga ni Mina na gay si Rustom.
Anyway, hindi namin alam kung naging taklesa lang si Carmina o talagang sinadya niyang pasaringan si Rustom.
But knowing Rustom, tiyak na tatawanan lang niya ito dahil kitang-kita namang masayang-masaya siya ngayong finally ay nakapag-out na siya bilang si BB Gandanghari.
Baka nga ang maging reaksyon lang dito ni BB ay isang malaking “Tse!” Hahaha!
Related News
No. of Views: 3,477 views
Tags: Carmina Villarroel, Ruffa Gutierrez, zoren legaspi
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













