Nude photos ni Coco Martin pinagpipiyestahan

June 24, 2009





Isang malaking karangalan para kay Coco Martin ang  maging bahagi siya ng serye ng Agimat (The Ramon Revilla TV Greats), na ipapalabas sometime in August.

Si Coco ang gaganap bilang Tonyong Bayawak, pelikula ni dating Senador Ramon Revilla noong  ‘70s.

Kapansin-pansin ang pagiging aktibo ngayon ni Coco. In demand siya kaya ini-intriga tuloy ang aktor na  siya ang paborito ngayon ng  ABS-CBN.

“Siyempre, nagpapasalamat  naman  ako sa oportunidad na binibigay sa akin ng ABS-CBN, sobrang hindi ko ini-expect. Siguro, dahil lang sa napakalaking responsibilidad  at utang na lo-ob ko rin sa show na Tayong Dalawa,” say ni  Coco.

Talaga namang sa Tayong Dalawa siya napansin ng televiewers dahil sa paki-kipagtagisan niya ng galing sa akting kina Jake Cuenca at Gerald Anderson.


Nilinaw ni Coco ang chikang hindi na siya gagawa masyado ng indie films dahil magku-concentrate na umano siya sa TV shows.

“Ahh, hindi. Tuloy pa rin ang paggawa ko ng indie films. Doon ako ipinanganak, eh. Hinding-hindi ko puwedeng talikuran ‘yon.”

Naging isyu rin ang tungkol sa umano’y pagkalat ng nude photo ni Coco sa Internet. Kuha raw ‘yon sa isang eksena sa uncut version ng indie film na Serbis. Hubo’t hubad daw talaga ang aktor sa said photo.

Ayon sa komento ng    ilang kasamahan sa panulat, halatang inggit lang kay Coco ang dahilan kung bakit may ganoong paninira.

Well, ano naman kaya ang masasabi ng magaling na aktor tungkol sa isyung ito?

“Para sa akin, hindi naman big deal, kasi intended ‘yon for international release. Ang nangyari lang, alam mo naman ang Pinoy, very conservative, ” katwiran niya.

Inamin ni Coco na nagkalat na ang kanyang nude photos at pinagpipiyestahan sa Internet.

Sa totoo lang,  dito lang naman sa ‘Pinas nagiging big deal ang mga ganitong bagay, eh.

Naaliw naman kami kay Coco sa presscon ng Agimat series nang tinanong sila nina Gerald Anderson, Jake Cuenca at Jolo Revilla kung sino ang gusto nilang  action legends.

Si Phillip Salvador at hindi si Sen. Bong Revilla ang idolo niya.

Bata pa lang daw si Coco, idolo na niya si Kuya Ipe at pinapanood na niyaang mga pelikula nito tulad ng Balweg at Jaguar.

Anyway, present din sa presscon ng Agimat sina Rowena Bautista at Andrea Bautista-Ynares at nagbi-gay sila ng karagdagang impormasyon tungkol sa naturang proyekto.

Naka-schedule na raw sina Coco, Gerald at Jake to meet one of the industry’s action legends, Ramon Revilla, Sr.







Advertisers




Advertiser



Comments

7 Responses to “Nude photos ni Coco Martin pinagpipiyestahan”

  1. hannan on January 25th, 2010 11:45 pm

    ahm c coco martin i xa ung best actor… of d year

  2. RichardR on February 16th, 2010 10:39 pm

    Ano ngayon?big deal ba sa inyo?

  3. niko on March 24th, 2010 12:24 am

    i love you coco….

  4. marlon on November 30th, 2010 1:19 am

    alm mouh coco martin crush kta kht nkita ko na ang iyung pagkatao… lubs u..GODBLEZZ

  5. marlon on November 30th, 2010 1:29 am

    alm mouh coco martin crush kta kht nlmh
    ko na ang iyung pagkatao… lubs u..GODBLEZZ

  6. princess baby jean on June 12th, 2011 4:24 am

    hello po ….. crush kita unlang …..love yaaa

  7. jacob on July 13th, 2011 8:02 pm

    hmm i apriciatw u a lot..yuo are a handsome and talented actor,,,,,,,,idol kita talaga i hope to see yuo in personal……

Got something to say?






View My Stats