Wala akong pinagsisisihan sa paglipat ko – Angel Locsin
July 2, 2009
|
|
Sa thanksgiving party for the press ni Angel Locsin na ginanap last Tuesday night sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, masayang-masaya ang young actress sa magagandang nangyayari ngayon sa kanyang career.
Una ay ang patuloy na paghataw sa ratings ng Only You teleserye niya with Sam Milby and Diether Ocampo at talagang nakikipag-agawan sa May Bukas Pa at Tayong Dalawa sa pagiging No. 1.
Pangalawa, ang pagkakapanalo ng Lobo (her first teleserye sa ABS-CBN) bilang Best Telenovela sa Banff World Television Award sa Canada.
Kaya naman sa question and answer portion, natanong si Angel kung sulit ba at wala siyang pinagsisisihan sa desisyong paglipat noon mula sa GMA-7 to ABS-CBN.
“Noong nag-transfer po ako rito, sinabi ko po na kung ano ’yung naging desisyon ko, paninindigan ko po. Tatanggapin ko po nang buong-buo ’yung mangyayari sa akin. Nagpapasalamat na lang po ako na hindi ako pinabayaan ng ABS-CBN at ng Star Cinema. Inalagaan po talaga nila ako.
“Siguro kung hindi ko po ginawa ’yon, hindi ako matututo. Hindi po lumakas ’yung loob ko. Hindi po ako makikilala bilang aktres.
“Siguro nakuha ko naman po ’yung respeto ng tao dahil ipinakita ko sa kanila na kaya kong abutin ’yon. Kaya kong sumugal. Kaya, masasabi ko po na wala po akong pinagsisisihan,” pahayag ni Angel.
Naitanong din sa young actress ang tungkol sa pagsasama nila ni Sharon Cuneta sa movie. Napabalita kasi na gustung-gusto siyang makasama ni Megastar sa isang pelikula at balita ring si Mother Lily Monteverde ng Regal films ang magpo-prodyus nito.
Pero ani Angel, kahit gustung-gusto niyang makasama ang isa sa mga iniidolo niyang artista, exclusive raw siya sa Star Cinema at kung ano ang sabihin sa kanya, ’yon ang susundin niya.
Ang alam niyang next movie niya under Star Cinema is with Aga Muhlach at sa teleserye naman, may nagsasabing si John Lloyd Cruz ang susunod niyang leading man, pero hangga’t hindi natutuloy, ayaw niyang umasa.
Kailan naman sila magsasama ng boyfriend niyang si Luis Manzano sa isang proyekto?
“Kami ni Luis kasi, as much as possible, ayaw naming magkatrabaho. Gusto namin na hiwalay ’yung personal sa trabaho para hindi na rin magulo ’yung relasyon namin. Okay na po siguro ’yung ganito. Pero kung darating ’yung time na mape-pair kami, kailangan sigurong pagplanuhang mabuti,” she said.
Samantala, ayon kay Angel, malapit na ring magtapos ang Only You dahil originally ay 15 weeks lang talaga ang running time nito’t mahigpit ang Korea sa extensions.
Pagkatapos nito, makakapag-concentrate na rin siya sa movie niya with Aga, dahil this year ang target playdate nito.
Related News
No. of Views: 674 views
Tags: Angel Locsin
Tag Cloud
Advertisers
Comments
Got something to say?













