Sid Lucero saludo kay Maricar Reyes

July 5, 2009









SAYANG at may girlfriend na si Sid Lucero dahil kung wala, malamang na ligawan niya ang kanyang leading lady sa Your Song Presents Gaano Kita Kamahal na si Maricar Reyes.

Gandang-ganda si Sid sa face ni Maricar at hangang-hanga siya sa dalaga.

“Actually, my hats off to her especially the way how she’s handling things. Mas nakaka-in-love nga ’yun, eh,” sabi ni Sid.

Hindi nga raw niya akalain na makakatrabaho niya ito at this point in time dahil ang akala raw niya ay nagpunta ito sa States.

Sa set ay puro positibong bagay lang daw ang pinag-uusapan nila at hindi nila naidi-discuss ang mga hindi magagandang pangyayari.

’Yun nga lang, wala raw silang kissing scene at natawa na lang ang aktor nang tanungin kung hindi ba siya na-disappoint.

Sa kanyang lovelife, five years na raw sila ng non-showbiz girlfriend na si Rosie Delgado at mahal na mahal niya ito. Marriage, though is still far from their minds dahil nag-i–enjoy pa raw sila sa buhay nila ngayon.

Sa Your Song Presents Gaano Kita Kamahal, na magsisimula na this Sunday (July 5), ay gagampanan ni Sid ang papel na girlfriend ni Jodi Sta. Maria pero mai-in-love sila pareho ni Maricar sa isa’t isa.

Bida rin si Sid sa digital film na Astig produced by Boy Abunda under the direction of GM Sampedro na kasama sa Cinemalaya Film Festival at ipalalabas sa CCP. Kasama naman niya dito sina Glaiza de Castro, Edgar Allan Guzman, Arnold Reyes at Dennis Trillo.

Related News









Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Asia Agcaoili
Amanda Griffin
Mary Jean Maycon
KC Concepcion
Rhian Ramos
KC Concepcion

 


Comments

Got something to say?





Advertiser