Relasyon nina Ruffa at John Lloyd tanggap na ni Tita Annabelle Rama
July 6, 2009
|
|
HOT item na maituturing ang paglabas ng pictures na magkasama sina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz habang naglalakad sa Beverly Hills, California nu’ng sabay na nagpunta sa Amerika ang dalawa nitong nakaraang linggo lang.
Sinasabing sinadya ang pagkikita nina Ruffa at Lloydie sa Amerika dahil concert tour doon ang Star Magic at si Ruffa naman ay may event ding pinuntahan, just in time for her post birthday celebration.
Actually, dalawa ang pictures na lumabas, una ay larawan nina Lloydie at Ruffa na nakatalikod nang ma-picturan habang diumano’y papasok sa lobby ng hotel na tinutuluyan ni Ruffa sa Los Angeles, California.
Ang ikalawa ay nakaharap na sila, parehong naka-shades at naglalakad sa rows of high-end stores sa LA.
Kung ang mga lara-wang ito ang pagbabasehan, hindi naman sweet at hindi rin naka-pose ang dalawa, but the fact remains na magkasama sila, kaya nadagdagan ang curiosity ng publiko kung talaga bang may relasyon sila o wala.
Well, blooming si Ruffita at wala siyang keber kung ano ang komento ng mga tao sa kanila ni Lloydie, huh.
Hanggang ngayon ay wala pang inaamin ang dalawa.
Ayon naman sa ilang showbiz observers, kung sila ang tatanu-ngin, may special something talaga kina Lloydie at Ruffa, na ayaw lang aminin ng dalawa.
Kailan kaya sila aamin, ‘pag split na??
Kabaligtaran naman ang na-ging reaksyon ni Annabelle Rama sa mga lumabas na larawan at patuloy na speculations ng mga tao tungkol sa unica hija at kay Lloydie.
Inaasahan ng marami ang negatibong reak-syon ni Annabelle Rama lalo pa’t may mga lumabas na pictures sina Ruffa at John Lloyd.
Nang napanood namin ang pahayag ni Tita Annabelle nu’ng Sabado sa Star Talk ay sinabi ng ina ni Ruffa na hindi siya makakapagbigay ng anumang reaksyon dahil hindi pa niya nakikita ang naturang pictures.
Dagdag pa ni Tita Annabelle, naging maayos daw ang bakasyon nila sa Amerika at doon nag-stay si Ruffa sa condo nila kaya nag-bonding daw silang mag-ina.
Iginiit pa ni Tita Annabelle na walang masama kung makita man na namamasyal sina Ruffa at Lloydie.
Katwiran niya, walang masama kung lumabas ang mga ito bilang magkaibigan.
Sa tono ng pananalita ng ina ni Ruffa, parang tanggap na niya si John Lloyd para sa anak
Well…
Related News
No. of Views: 684 views
Tags: Anabelle Rama, Ruffa Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Comments
Got something to say?













