Edu Manzano, ipinagtanggol ni Vilma
September 10, 2009
|
|
Kagabi ang scheduled contract signing ni Jennylyn Mercado sa Viva Artists Agency ni Veronique del Rosario.
Siniguro ng co-manager na si Becky Aguila na kahit VAA artist na ang young actress, hindi ito magkakaroon ng conflict sa home studio na GMA-7 dahil pagdating sa TV career, solo niya ang pagma-manage sa alaga.
“Partners kami ng Viva sa movie, commercial at singing career ni Jen. Sa TV, ako pa rin naman at nag-usap kami ni Ma’m Wilma Galvante na as long as hindi nila pababayaan si Jen, she will be staying sa Kapuso,” pahayag ni Tita Becky.
Two years ang kontrata ni Jen sa VAA, na equivalent to two movies and two recording albums.
* * *
Aware si Gov. Vilma Santos na tulad ng anak na si Luis Manzano, may issue rin sa press ang dating asawang si Edu Manzano.
Natatawa nga siya nang sabihing “ano ba ’yan? Bakit may isyu ang aking mga…”
Ipinagtanggol din ni Ate Vi ang ex-husband. Kilala raw niya ito at alam niyang tulad ni Luis, malambing din ito sa press.
“Anyway, kilala n’yo naman si Eduardo,” say niya sa presscon ng Bear Brand Powdered Milk Drink’s Laki sa Gatas annual nutrition campaign, “maybe ipinaliwanag na niya ’yung side niya na hindi ’yun ang ibig sabihin.
“Naku, protector daw ako, o! Maybe, because I know Eduardo also, ’yung pagkakasabi niya nu’n has something to do with his (former) posisyon as chairman ng OMB (Optical Media Board).
“Pero kung ibibigay natin ang holistic approach ng pinagkakautangan niya ng loob sa lahat ng awards na nabigay sa kanya, I don’t think ang PMPC (Philippine Movie Press Club) ay makakalimutan niya.
“If I’m not mistaken, ang unang-una nagbigay ng recognition sa kanya, sa pagiging Best Supporting Actor o Best Host o ng kanyang show, ay PMPC. It’s not utang na loob, eh. Hindi niya ma-acknowledge o mabigyan ng halaga, hindi niya mine-mean ’yon. Dialogue lang ’yan sa PMPC, tiyak na maaayos ’yan,” say pa ng Star for All Seasons.
Naikuwento rin ni Ate Vi na kapag nakakatanggap ng award si Edu, talagang ipinagyayabang, which means, mahalaga para rito ang parangal na natanggap.
“Dialogue at space lang siguro ang kailangan para maayos ’yan,” say uli ni Ate Vi.
Naging isyu nga rin daw ’yung pagkakasabi niya na mas magaling umarte si Luis kesa kay Edu at ayon sa bida ng In My Life, that was meant to be a joke na sineryoso naman ng iba.
“Eh, si Eduardo naman, siyempre kung pag-uusapan natin ang galing ni Lucky, siyempre, genes niya ’yan sa tatay at sa akin,” paglilinaw ng aktres.
Related News
No. of Views: 626 views
Tags: edu manzano, vilma santos
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













