Korina at Kris Aquino, nagkabati na!

September 10, 2009









MALAKI ang hawig ng newscaster na si Niña Corpuz sa girlfriend ni Senator Noynoy Aquino na si Shalani Soledad.

In fact, halos same height at pangangatawan din sila. Pareho ring maganda ang kanilang kutis. Flawless, wika nga, tulad ng kay Kris Aquino, na magiging sister in-law ni Shalani, if ever.

Hindi man pormal na ipinakilala ni Sen. Noynoy, puwede nang i-presume ng mga botante na siya ang magiging First Lady nito kapag pinalad na manalo bilang Presidente sa 2010 elections.

Shalani, a councilor ng Valenzuela City, was with Sen. Noynoy when he attended the Mass for the 40th day ng kamatayan ni President Cory Aquino sa Baclaran Church noong Wednesday.

Nakaitim din siyang damit tulad ng boyfriend.

Pagkatapos ng Misa, nagpaunlak si Shalani na ma-interview sa tv at isa nga sa mga nag-interview sa kanya ay si Niña, isa sa pinakamagandang mukha sa newscasting world.

Narito ang ilan sa data na nakalap namin tungkol kay Shalani: Bicolana siya, tubong-Catanduanes ang kanyang pamilya.

She is 29 years old at nagtapos ng kursong Management sa isang provincial university.

Balitang naging host din si Shalani sa UNTV channel. Pero, naglingkod muna siya sa office ni Sen. Ping Lacson bago tumakbo bilang konsehala ng Valenzuela City.

In fact, si Sen. Lacson ang nagpakilala kina Shalani at Sen. Noynoy.

Usap-usapan ang pagtakbo ni Shalani bilang congressman ng Valenzuela sa 2010.

Of course, this was decided upon way before nag-desisyon si Sen. Noynoy na tumakbo sa pagka-Pangulo ng bansa.

Now that her boyfriend is running for the top position in the land, will Shalani give up her ambition to become congresswoman at tumulong na lang kay Sen. Noynoy at sa mga kapatid nito sa pangangampanya?

* * *

In the event na manalo nga si Sen. Noynoy at naging Pangulo na, will youngest sister Kris Aquino have the chance na maging First Lady ng kapatid? Hindi kaya si Shalani na ang mag-assume ng nabanggit na position?

Well, Kris can still be her brother’s First Lady for the first few months in office ni Sen. Noynoy bilang Presidente. After all, Shalani cannot become First Lady until she marries him.

Eh, dito sa atin, tradisyon nang hindi puwedeng magpakasal ang kahit sinong member ng pamilya ’pag ’di pa nakakapagbabang-luksa.

This shall take place after a year ng kamatayan ni President Cory.

Assuming ngang naging Presidente si Sen. Noynoy, he will assume office sometime June or July 2010. Meaning, Kris can be his “First Lady” (or ‘First Sister’?) until the first death anniversary ni President Cory, which is August 1.

If ever magpakasal naman sina Sen. Noynoy at Shalani, their wedding will be a ‘first’ in Philippine politics, dahil wala pa tayong Presidente na nagpakasal sa babaing mahal niya while in office.

* * *

ALL is well between good friends Kris and Korina Sanchez.

Korina could have been a First Lady herself kung hindi lang nag-decide ang fiance niyang si Mar Roxas to give way kay Sen. Noynoy.

Napabalitang nagkaroon ng falling out as friends ang dalawa dahil sa political fiasco na ito.

Apparently, nakapagsalita sina Kris at Korina ng mga bagay-bagay na puwedeng they didn’t mean or were taken out of context.

Well, it was Kris who first made the move na humingi ng tawad (through text messaging) kay Korina who, in turn, texted Kris na she understands.

Related News









Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Cindy Kurleto
Riza Santos Photo Gallery
Joyce So Picture Gallery
Joyce So Picture Gallery
Asia Agcaoili
Claudine Barretto

 


Comments

Got something to say?





Advertiser