Erap, inindyan si Kris Aquino dahil sa tseke

November 10, 2009









Sa presscon ng Ang Tanging Pamilya, natanong si dating Presidente Joseph “Erap” Estrada kung sino ang maiku-consider niyang “tanging pamilya.”

“Alam n’yo, hindi naman tayo nagtatago, transparent ang aking buhay, hindi tayo patagu-tago, ’di kagaya ng iba riyan,” simulang sagot ng dating presidente na tila may pinariringgan.

“Ako, eh, inaamin ko naman na marami akong minahal. Pero sa dinami-rami ng aking minahal, iisa lamang ang babaing aking pinakasalan, ’yun ang tanging pamilya ko,” he said.

As we all know, ang tinutukoy na babaing pinakasalan ni Erap ay walang iba kungdi si Dra. Loisa Pimentel-Estrada na siyang naging First Lady natin nang panahong presidente ito. May tatlo silang anak — sina Jinggoy, Jackie and Jude. Pero alam din naman ng lahat na may iba pa siyang anak sa ibang babae tulad ni JV Ejercito na ang nanay naman ay si Guia Gomez. May mga anak din siya sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Samantala, last Sunday, finally ay nagharap na rin sina Kris Aquino at Pres. Erap sa The Buzz. Matatandaang dapat ay two Sundays ago pa nag-guest ang dating presi-dente para mag-promote ng Ang Tanging Pamilya pero hindi ito nakasipot kaya nagkaroon ng espe-kulasyon na baka naba-hiran ito ng pulitika.

Pero ang eksplanasyon ni Erap, kaya hindi raw siya nakapunta ay dahil wala pa ang tsekeng ibi-bigay niya sa ABS-CBN Foundation. Ang nasabing tseke ay talent fee niya sa Star Cinema para sa Ang Tanging Pamilya.

Dahil nakuha na raw niya ang tseke, kaya that Sunday ay pumunta na siya. Ibinigay ni Erap ang P1M check from Star Cinema sa ABS-CBN Foundation bilang tulong niya sa mga nasalanta.

Ibig lang sabihin nito, walang napuntang talent fee kay Erap dahil ibinigay niya lahat sa kawang-gawa na talaga namang dapat papurihan.

Anyway, kagabi ay nagkaroon na ng premierre night ang Ang Tanging Pamilya at ngayong araw na ito, Nov. 11 ang first day of showing nationwide. Mula sa direksyon ni Wenn Deramas, kasama rin sa movie si Dionisia Pacquiao, Toni Gonzaga, Sam Milby, Candy Pangilinan at marami pang iba.

Related News









Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Nicole Hernandez Picture Gallery
KC Concepcion
Sheree
Joyce So Picture Gallery
Joyce So Picture Gallery
Phoemela Barranda

 


Comments

Got something to say?





Advertiser