Claudine Barretto dalawang beses ‘gumanti’ sa Kapamilya Network
November 28, 2009
|
|
MARAMI ang nagsasabing dalawang dagok ang naranasan lately ng ABS-CBN.
Una, ang ginawang pagpirma ni Claudine Barretto ng kontrata para sa pelikula sa Viva Films. At ikalawa, ang pag-sign niya ng two years exclusive contract sa GMA7. Alam naman kasi ng lahat na sa ABS-CBN nagsimula ang career ni Claudine, at maging ang mga pelikula niya ay ginawang lahat ng Star Cinema.
Kahit na sinasabi ni- yang maayos naman ang kanyang pag-alis sa Kapamilya at wala naman siyang kahit na anong kontrata sa Dos bago siya nagpatali sa kalaban nitong network, hindi maiaalis isipin ng publiko na gumaganti siya dahil matagal na siyang hindi nabigyan ng assignment ng dati ni-yang home studio.
Kung hindi ba naman pagganti ang ginawa ni Claudine o sabihin na nating pag-rerebelde sa Kapamilya, eh, bakit sa kalabang kampo pa siya lumipat?
Hindi ba mas mabibigyan pa siya ng pabor kung sa Channel 5 siya nagpunta dahil alam naman nating naroroon rin ang ma-lalapit sa kanya at kailangan din ng malalaking artista ng tinataguriang third-force network na ito?
Pero sa palagay namin, hindi iindahin ng ABS-CBN kung mawala man sa kanila si Claudine, dahil ilang taon na nga siyang wala sa prime time at hindi naman apektado ang prime time standings ng Dos. In fact, nakita nga nila na nakaka-survive sila sa mga baguhang stars na hindi nila kailangang bayaran ng mas-yadong mataas na talent fee.
Baka nga iyon ang ma-ging problema ng GMA7. Sa paghahangad nilang makuha ang malalaking stars na wala nang assignment sa ka-bilang bakod, willing silang magbayad ng mataas na ta-lent fee. Kung tutuusin, me-ron din silang mga artista na hindi na kontento sa kanila dahil hindi rin nila nabibig-yan ng assignment kahit na may kontrata sa kanila.
Related News
No. of Views: 833 views
Tags: Claudine Barretto
Tag Cloud
Advertisers
Comments
Got something to say?













