Claudine Barretto, Mark Anthony Fernandez gagawing loveteam ng Kapuso
November 29, 2009
|
|
TINAASAN daw ng kilay ng isang kilalang persona-lidad sa ABS-CBN ang gina-wang paglipat ni Claudine Barretto sa GMA7.?
May nakarinig na sinabi ng personalidad na ito ng Dos na: “Poor Claudine, lalong lalamlam ang career niya sa kanyang de-sisyon. Baka good for one project lang siya roon (GMA7).”
Pero ang hindi siguro alam ng nagtaas ng kilay, at baka ikagulat pa nito, na may tatlong malalaking projects na ang nakatakda nang gawin ni Claudine.
‘Yong isa ay pagsasamahan nila ng husband na si Raymart Santiago, ‘yong ikalawa, kung hindi kami nagkakamali, ay mistulang Maalaala Mo Kaya ang te-ma.
Ang ikatlong project ng Kapuso para kay Claudine ay malamang pagtambalan nila ni Mark Anthony Fer-nandez.
Nang hingan naman ng reaction si Mark Anthony kung papayag siyang maka-tambal si Claudine ngayong isa na rin itong Kapuso, sa-got ng aktor: “Why not? Past is past, ‘di ba?”
Naging seryosong magdyowa kasi noon sina Claudine at Mark Anthony. Maaalaalang nagpatato pa nga si Claudine noon ng pangalan ni Mark Anthony sa katawan niya. Pero, past is past na nga.
“Both of us are happy with our partners in life. Wala na akong hurt feelings. I believe it will be a good career move kung ma-kakapareha ko si Claudine sa isang TV series,” dagdag ni Mark Anthony.
Pero, ano naman kaya ang masasabi ng mister ni Claudine na si Raymart Santiago sa plano ng GMA7 na loveteam nina Claudine at Mark Anthony?
Well, kailangan namin siyang ma-interview!
Related News
No. of Views: 765 views
Tags: Claudine Barretto
Tag Cloud
Advertisers
Comments
Got something to say?













