Pinoy version ng ‘Jewel in the Palace,’ gagawin ni Claudine Barretto
December 1, 2009
|
|
NaIsulat naming mala-Maalaala Mo Kaya ang show na gagawin ni Claudine Barretto sa GMA-7, pero ang latest na nabalitaan namin, Pinoy adaptation na raw ng Jewel in the Palace ang gagawin ng aktres sa Kapuso network.
Malaking project ang Jewel in the Palace mula sa story, cast at budget. Umabot sa 54 episodes ang Korean novela na pinagbidahan ni Lee Young Ae sa role ni Jang-geum at nagpakita ng kultura ng Korea, traditional medicine at Royal Court cuisine.
Ang suwerte ni Claudine kung sa kanya ibibigay ang project. Sa dami ng cast ng K-novela, puwede silang magkasama ng husband niyang si Raymart Santiago.
* * *
Pinalakpakan ng press si Katrina Halili sa presscon ng Darna na naka-costume sa role niyang si Serpina. Hapit sa katawan ang snake costume na made of rubber at sabi ng aktres, mainit, masikip at mahirap isuot.
May contact lens at naka-hair extension pa si Katrina, pero ’di agad ’yon makikita sa pagpasok ng karakter niya either this Friday or Monday next week.
Hindi pa nagkakaeksena sina Katrina at Marian Rivera at walang nakikitang problema ang una kahit nagkaroon sila ng conflict before dahil pareho na nilang kinalimutan ’yon.
Ang pinuproblema ng dalaga’y takot siya sa ahas, eh, ang eksena niya, laging may kasamang ahas at ang solusyon na naisip niya’y dedmahin na lang ang mga ahas.
Masaya pala si Katrina na tinanggalan ng lisensya ng PRC si Hayden Kho, pero mas matutuwa raw siya kung makukulong si Hayden para lubos na ang pagbabayad nito ng utang sa ginawa sa kanya at sa iba pang mga babae.
Related News
No. of Views: 899 views
Tags: Claudine Barretto
Tag Cloud
Advertisers
Comments
Got something to say?













