Mga ‘itinatago’ ni Coco Martin natuklasan ni Maja Salvador

December 3, 2009









NAGIGING malapit na sa isa’t isa sina Maja Salvador at Coco Martin dahil sa ka-nilang teleserye sa ABS-CBN na Nagsimula sa Pu-so.

Kamakailan ay sinabi ni Maja na natutuwa siya at nakatrabaho ang mahusay na aktor. Hindi raw niya akalaing ganu’n kagaling umarte si Coco, kaya pati raw siya ay talagang nada-dala sa kanilang mga eksena.

“It’s a pleasure wor-king with Coco. Magaling na aktor talaga. Hindi mahirap kaeksena. Sobrang honored din ako siyempre na magkaroon ng oppor-tunity na makatrabaho si-ya,” wika ni Maja.

Nabanggit din ng aktres na unti-unti na niyang naki-kilala nang husto ang ka-tandem.

“Naku, ang dami ko ka-yang natuklasan tungkol kay Coco. Mukhang tahi-mik lang iyan pero may itinatagong kakulitan talaga. Pag hindi kami nakasalang, madalas kaming magkuwentuhan… nakakatuwa,” saad pa ni Maja.

Samantala, inamin ni Coco na masaya rin siya at nakapareha niya ang magandang aktres.

“Masaya po ako na na-katambal si Maja. Ibang experience po. Nakakakaba minsan kasi naman ang ganda ni Maja ‘di ba? Tapos makakaharap mo, sino ba naman ang ‘di pagpapa-wisan noon?,” nakangiting sambit ni Coco.

Nang tanungin namin ang aktor tungkol sa kani-lang pagiging malapit sa isa’t isa, agad na sabi niyang: “Halos lagi po kaming magkasama dahil nagte-taping po kami ng Nagsimula Sa Puso. Kaya naman mas nakikilala ko po siya. And kasama na rin po roon ang paglalim po siguro ng pagkakaibigan namin.”

Kung magkasundung-magkasundo sina Maja at Coco in real life, kabaligtaran naman ito sa characters nila sa NSP. Magkaaway na mortal ang dalawa dahil sa estado nila sa buhay, pero nagkaroon sila ng anak na hindi alam ng isa pang lea-ding man ni Maja na si Jason Abalos sa papel na Jim.

Related News







Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Comments

Got something to say?





Advertiser