Hayden Koh nag-suicide!

December 4, 2009









BAGO umere ang programang Showbiz Mismo ng DZMM bandang 2:55 p.m. kahapon, isang text message ang natanggap ng host nitong si Jobert Sucaldito from a highly reliable source na kasalukuyang isinusugod si Dr. Hayden Kho sa isang hospital sa Makati dahil muli itong nagtangkang mag-suicide.

Ayon sa nagbalita, galing umano sa Silang, Cavite, ang ambulansyang sinasakyan ni Hayden at kasama nito ang ilang staff ng dating kasintahang si Dra. Vicki Belo para mag-asikaso.

Hindi naman naidetalye ng source kung saang hospital sa Makati dadalhin si Hayden.

Hindi rin malinaw kung ano ang dahilan ng muling pagtatangkang magpakamatay ni Hayden. Pero malamang daw, isa na rito ang pagkakatanggal ng lisensya niya bilang doktor ng PRC.

Matatandaang nag-commit na rin ng suicide noon si Hayden pagkatapos siyang hiwalayan ng kasintahang si Dra. Belo.

Sinubukan naming mag-double-check at kumuha ng reaction mula kay Leah Salterio, publicist ng Belo Medical Group, pero as of presstime, ang tanging naisagot lang nito’y “Hayden is no longer connected with Belo that’s why we cannot make any comment about what happened.”

Related News







Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Comments

Got something to say?





Advertiser