Piolo Pascual at KC Concepcion nagkasakitan

December 4, 2009









Nagisa nang husto sina Piolo Pascual at KC Concepcion kahapon sa farewell presscon ng Lovers in Paris, lalo na ang aktor dahil siya ang lalaki at gusto talagang malaman ng entertainment press kung ano talaga ang relasyong meron sila.

Matatapos na nga naman kasi ang serye sa December 11, wala pa tayong naririnig na pag-amin mula sa kanila gayung patuloy naman silang nali-link sa isa’t isa.

Nakadagdag pa sa pangungulit sa kanila ang statements ni Direk FM Reyes na nagpapahiwatig na may “something” na namagitan kina Piolo at KC. Ang dialogue ng direktor, “You cannot deny that something went on,” kaya naguluhan ang lahat, ibig bang sabihin ay tapos na?

Natanong kasi si Direk kung ano ang mga nasaksihan niya during the taping to prove na may magandang namamagitan kina KC at Piolo. Aniya, may nasaksihan siya sa Paris at maging dito sa Pilipinas na ayaw niyang idetalye.

Basta ang sinabi lang ni Direk, sa last taping day ay umiyak si KC kahit wala namang crying scene habang si Piolo ay mainit ang ulo at nakasimangot.

Ang paliwanag naman ni PJ (palayaw ni Piolo), ang hihirap ng mga eksena nila nang araw na iyon.

“Grabe, nagsimula kami sa wedding, natapos kami sa ospital, and I was really tired. First time ko po na-experience na masyado akong nag-dwell sa kalungkutan. Ang dali kasing natapos ng soap, eh, sanay ako sa six months, so, eto po, parang ang bilis natapos.

“So, pinili kong mag-dwell du’n sa mga kalungkutan buong araw para magamit ko sa mga eksena, para madaling umiyak,” natatawang sabi ni Piolo.

“Pero talagang malungkot ako, kasi hindi ko na sila makikita on a regular basis,” dagdag pa niya.

Lahat daw kasi ng heavy scenes, sa hindi malamang kadahilanan ay nalagay lahat sa last scene kaya talagang kinarir niya nang husto ang mga eksena.

“Hindi naman mainit ang ulo, it’s just that I had to focus and I had to really concentrate and savor the moment,” saad pa ng aktor.

Kuwento naman ni Direk, hindi niya maaalis na malungkot nga si Piolo at hanggang ngayon nga raw, malungkot ito dahil alam niya kung saan ito nanggagaling.

Si KC naman, kaya raw napaiyak ay dahil na-touch siya’t hindi lang siya makapaniwala na tapos na ang serye.

Pinadetalye namin kay Direk kung ano talaga ang nasaksihan niya sa Paris at say niya, “Pakitanong na lang ’yung tungkol sa kamay,” na lalo naming ikinalito.

“Kasi when I met them right after Paris, a month later, on a separate occasion, they wanted to go back to Paris. Ako rin naman. So, ’yung sa kamay, sabi nu’ng isa, both of them looked so amused, what was that hand altogether, and then much later, they were answering it, so what was all about it. I, myself, I’m not sure, what that is. Whatever you heard from me, I just heard also,” dagdag pa ni Direk.

Basta sa lahat ng ito, ang final statement ni Piolo ay ito:

“Ah, gusto ko lang pong protekatahan kung anong meron kami. Hindi po kasi biro, we’ve been through a lot, we’ve gone through so many issues. So, we focused, it came to a point na nagkasakitan kami because of what we heard, what people said about each other to a point na hindi kami halos magkaintindihan, what was really happening, so, we just decided to be… for us to be okay, I think it should be better that we should be less verbal about the real state of whatever we have, because magkaroon na naman ng iba-ibang interpretations, magkakaroon ng iba’t ibang judgment, so, ipagpaumanhin n’yo na po, we just really want to protect the relationship.”

Samantala, one week na lang at matatapos na ang Lovers in Paris.

Related News







Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Comments

Got something to say?





Advertiser