Anggulo ng suicide, itinanggi ng kampo ni Hayden Kho
December 6, 2009
|
|
ITINANGGI ng kampo ni Hayden Kho ang anggulo ng suicide na naging dahilan para isugod nu’ng Dec. 4 ang doktor sa Manila Doctors Hospital sa U.N. Avenue. Ayon sa abogado ni Hayden na si Atty. Lorna Capunan, nagkaroon ng matinding lagnat si Hayden at sever abdominal pain kaya kailangan siyang dalhin sa ospital. Nagkaroon din daw ito ng tinatawag na intestinal flu.
Ayon naman sa Startalk kahapon, diumano’y naaksidente si Hayden kaya siya isinugod sa hospital. Next week daw nila ire-reveal ang tunay na dahilan kung bakit na-hospitalize ang kontrobersyal na doktor.
May isang anggulo ring nagsi-circulate ngayon sa showbiz tungkol sa totoong dahilan kung bakit isinugod si Hayden sa ospital. Na na-overdose daw ito diumano sa Ecstacy kaya nilagnat at nagkaroon ng severe abdominal pain. Pero wala ni isa man mula sa kampo ng doktor ang nagkukumpirma tungkol dito.
Nananatili ring mailap sa media ang mga kapamilya ni Hayden. Bawal ding pumasok ang kahit sinong miyembro ng media sa kinaroroonan ngayon ni Hayden.
Samantala, nakiusap naman si Butch Francisco, malapit na kaibigan ni Dra. Vicki Belo, na intindihin ang pinagdadaanan ngayon ni Hayden. Sobrang down daw ito ngayon dahil sa pagkakatanggal ng lisensiya niya bilang doktor.
Related News
No. of Views: 203 views
Tags: hayden kho
Tag Cloud
Advertisers
Comments
Got something to say?













