Piolo Pascual at KC Concepcion, hirap aminin ang totoong relasyon

December 6, 2009









SA December 11 na ang ending ng Pinoy version ng Lovers in Paris na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, KC Concepcion at Zanjoe Marudo. Bukas ang simula ng kanilang final week.

Dahil ending na, humarap sa press ang cast para magpasalamat hanggang nagkabukingan. May mga ibinisto si Direk FM Reyes tungkol kina Piolo at KC lalo na nu’ng last taping day nila.

Halatang uneasy si Piolo habang naglilitanya ang direktor at ikinukuwentong mainit ang ulo ng aktor nu’ng huling taping nila. Umiyak din daw si KC that day dahil sa lungkot.

Pilit na inusisa ng press kung meron na ba talagang namamagitan sa kanilang dalawa, pero wala kaming mapiga. Panay lang ang sabi ni Piolo na kung ano ’yung meron sila ni KC ngayon ay gusto niyang gawing pribado.

Dahil sa lakas ng chemistry ng dalawa, posible raw na muli silang magsama sa pelikula next year na ipo-produce ng Star Cinema.

Samantala, kasama rin nga pala sa cast si Zanjoe na puring-puri rin ni Piolo dahil sa husay nito bilang aktor. Dumating din sa farewell presscon sina K Brosas, Assunta de Rossi, Mark Gil at iba pang cast. Hindi naman sinipot ni Maricar Reyes ang presscon.

Related News







Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Comments

Got something to say?





Advertiser